Friday, March 18, 2011

Short Term Relationship: Ikaw Ba Ang May Sala?


TATLONG ARAW

Tatlong araw lang pala ako naging maligaya. 'Di ko man lang napuna, tatlong araw ko'y tapos na. Araw ng kalokohan, aking kinagalakan. 'Di ko naunawaan na ako'y masusugatan.

Sabi sa I Kissed Dating Goodbye, "How many times have I given my heart away in short term relationships?" Noong unang nabasa ko 'yun, napa isip ako. Oo nga naman. Ang dami kong naging relasyong mabilis na nabigyan ng katapusan. Ang pangit nga eh. Parang scrapbook. Habang dumadami ang design, pumapangit na. Ibig sabihin, habang dumarami ang nagiging karelasyon mo, pumapangit ang image mo.

'Di ako makapaniwala at ako'y natulala. Lumulubog, lumalala. Ngunit ba't biglang nawala?

Pero kanina, napaisip ulit ako, "Kasalanan ko ba kung mabilis na natatapos 'yung relasyong pinasukan mo?"

Meron kasing mga taong hindi marunong makuntento sa isa. Mga taong akala mo eh mauubusan ng babae o lalaki sa mundo. Mga sugapa. Mga sinasamantala ang yaman, kagandahan ng mukha, laki ng katawan, at karisma nila. Feeling nila, eh maganda na nanloloko sila ng ibang tao at akala nila ay may karapatan silang paglaruan ang damdamin ng ibang nilalang.

Ang mga taong ganoon, madalas ay magaling maglihim. Lahat, itinatago. 'Yung tipong hindi mo talaga sila mabibisto. Sa sobrang galing nila, eh sa ibang tao mo pa malalaman na niloloko at ginagago ka na pala. At dahil mahal mo 'yung walang pusong 'yun, hindi ka maniniwala sa sabi sabi lang ng iba. Naniniwala ka kasi na kung mahal mo talaga ang isang tao, sa kanya ka maniniwala at hindi sa sinasabi ng ibang tao. Sasabihin mo pa na tsismosa lang sila.

Tatlong araw naging masaya, isang taong lumuluha. Bakit mo kaya nagawa, bakit ka hindi naawa?

Hindi ka nga naniwala sa sinasabi ng ibang tao pero minsan talaga, ang tadhana na ang babasag sa katangahan mo. Hayun! At mahuhuli mo syang may kasamang iba. Syempre, pulis- pulisan ang laban. Hindi mo muna sya hahampasin at gagawa ng eksenang malupit. Ngayong hawak mo na ang ebidensya kasama ng mga witness na dati pang nakakakita sa modus ng suspek, hihingin mo pa rin ang statement nya. Ang gago, tatanggi pa. Anak ng tilapya naman oh! Nalambat mo na, pipilit pang kumawala. Pero dahil sa galit mo, lalabas din ang totoo. Ang bagay na matagal na naipagkait sa iyo dala na rin ng pagiging martyr mo. Ouch. The truth really hurts.

Ngunit kung mapagbibigyan, ang patalim ay hahawakan. Kahit na magmukang timang, basta magkabalikan!

Syempre ang suspek, kapag nahuli mo na, eh hihingi ng walang kamatayang "sorry" na may kasamang iyak at paawa effect. Tapos sabay sasabihing hindi na nya uulitin, wag mo lang sya dispatsahin.

Tatlong araw lang pala, di man lang ginawang lima. 'Di ko man lang napuna, tatlong araw ko'y tapos na.

Pero dapat talaga e hindi na pinakakawalan pa ang mga gumagawa ng kasamaan. Hindi naman talaga sila matututo hanggat hindi sila natuturuan ng leksyon. Ang "sorry" kasi, hindi mo malalaman kung totoo o kasinungalingan hanggat hindi mo sinasabing "okey lang."

Masakit, pero kailangan mong tanggapin ang totoo. Sabi nga, the truth will set us free.

(Tatlong araw lang pala ako naging maligaya. 'Di ko man lang napuna, tatlong araw ko'y tapos na..... Tatlong araw, tatlong araw. Tatlong araw tatlong araw, TATLONG ARAW!)


Tuesday, March 15, 2011

Sa Likod Ng Malalakas Kong Tawa

"Ang kagandahan ng House Hold, 'yung mga bagay na hindi natin masabi sa magulang at kaibigan natin, nailalabas natin dito. At sa paglabas natin sa room na 'to, para tayong nabawasan ng tinik sa dibdib."

Ngayong college ko lang na encounter ang House Hold. Ginagawa 'to ng mga members ng Youth For Christ (YFC) pero kahit hindi ka kasali, maaari ka pa ring makigulo.

Masasabi kong malaki ang naging impluwensiya ng mga kabarkada ko sa akin at nakiki- HH na rin ako sa kanila nitong mga nakaraang linggo bagamat hindi ganoon kadalas.

Hindi naman kasi ako sanay na ipaalam sa ibang tao ang kalagayan ko, ang nadarama ko, at maging ang mga bagay na nangyari sa akin sa mga nakaraang araw. Ewan. Minsan kasi, pakiramdam ko ay wala naman silang pakialam sa mga napagdaraanan ko sa pang araw- araw na buhay.

"Kamusta ka?" Iyan ang palagiang pambungad na tanong ng taong nagpapasimuno ng HH sa isang araw. Minsan kasi, nagiingay kami tapos mapagtri-tripan na lamang nilang mag HH.

Kadalasang "Okey naman" ang sagot ng mga kasali. Ako? Puro ganoon rin malamang.

Minsan ay Okey lang naman talaga ako. Pero minsan, sa paglabas ko sa room pagkatapos ng HH ay tinatanong ko ang sarili ko-- "Okey lang ba talaga ako?"

Hindi ko alam. Marami akong mga bagay na napagdaraanan sa buhay. Iyong iba ay nadadaldal ko kay Cha at sa iba ko pang mga kaibigan. Pero hindi pa rin lahat. Minsan kasi napapansin ko, pagod na ang mga tao sa paligid ko na makinig sa bawat kwento ng pang araw- araw kong pamumuhay. Syempre, may magagawa pa ba sila? Hindi naman sila kasali doon.

Iyong mga nakaraang mga bagay na napagdaanan ko na dala ng aking katangahan at bunsod ng maling paggamit ko ng ga-butil kong utak ay natanggap ko na at nai- tsismis ko na sa iba. Nagugulat ang iba, natatawa, at may naiinis rin. Pero sa bandang huli, pagkatapos kong i tsismis sa kanila ang bagay na iyon, para bang nakahihinga na ako ng maluwang. Hindi na masyadong tumatakbo at bumabagabag sa isip ko ang bagay na iyon, at unti unti ko na itong malilimutan kapag natabunan na ang alaala nito ng mga mas masasaya pang alaala. Hanggang sa dumating ako sa puntong kapag naalala ko ang bagay na iyon ay wala na akong nadaramang pagsisisi.

Pero may isa pang pangyayaring nagdaan na lalong yumanig sa panatag ko nang mundo. Marahil ay kaparis ito ng mga nakaraang pangyayari, ngunit iba ang nadarama ko sa tsismis na ito.

Dumating ako sa puntong gusto ko nang sabihin ito sa isang matalik na kaibigan na alam kong babatukan ako at titili kapag narinig ang kwentong ito. Pero nagdalawang isip ako. Ewan. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit.

Sa tingin ko ay sasarilinin ko muna ang bagay na ito sa ngayon. Sa puntong ito ay ako, siya, at si Papa God lamang ang nakakaalam nito-- isa na namang pagsubok para kalabitin ako at sabihing, "H'wag kang makulit Kelly! Sobra ka na. Hanggang dyan ka nalang."

Ang bait pa rin Nya. Kahit sa mga pagkakataong maaari nang sairin ng mga taong nakapaligid sa akin ang pagkakataon para may magawang masama tungo sa akin, hindi Nya sila pinapayagan. Wala, walang makatitibag sa akin. Dahil kahit na ilang beses ko Syang sisihin, isnabin, at makalimutang kausapin. Kahit na sa mga oras ng pangangailangan at exams ko lang Sya nagagawang lambingin, nariyan-- at nariyan pa rin Sya para sa akin.

Maaaring talikuran ako ng mga taong nakapaligid sa akin. Ng mga kaibigan ko, o maging ng sarili ko pang pamilya. Pero hindi, hinding hindi ako matatakot maski na kakabahan. Kasi alam ko na kahit talikuran pa man ako ng buong mundo, Sya lang ang matitirang nakaharap sa akin ng nakangiti.

Isang araw, sa oras na itinakda Nya ay matatanggap ko na rin ang katotohanan-- na kahit na ang pinaka malapit at pinaka matagal mo nang kakilala sa mundo ay hindi mo pa rin maaaring pagkatiwalaan ng buong puso. At sa nakatakdang oras na iyon, sa pagitan ng apat na sulok ng silid aralan, masasabi ko ring lahat iyon sa kanila.

At lalabas ako sa silid na iyon ng wala nang dinadalang mabigat na bagay sa aking puso. Sa panahong pinili Nya, mabubunot rin ang tinik na marahang ibinaon sa aking dibdib.

Things I Hate About You


Align Center

I hate the way you talk

And commit mistakes

I hate the way you walk

And the smile that you fake.

I hate your face when you smile

I hate your way of making me cry

I hate the fact that you'd walk a mile

Just to tell me I'm fly.

I hate it when you laugh

Or even cry when I'm mad

I hate you 'cause you're tough

And I hate you when you're sad.

I hate you everyday

And every time of the week

I hate you 'cause you're gay

And the way you make me weak.

I hate you when you're lonely

Just have to give you comfort

I hate you 'cause you're a bully

But kind in some sort.

I hate you forever

But then I think I can't

I hate it when you're sober

And the way that you spend.

I hate you always

For making me believe

I hate the sun's rays

'Cause once I was a thief.

And I hate really you

Of all the reasons I have

'Cause you just cant love me

The way I wanted you so bad.


Third Party Pala Ako


Mabilis ang lahat ng pangyayari. Sa sobrang bilis nga, ni hindi ko alam kung paanong bigla na lang na nawalan kami ng komunikasyon. Parang kanina lang, ang sweet namin. Tapos booogsh! Parang hindi na kami magkakilala ngayon.

Hindi naman talaga planado ang pagsagot ko sa kanya. Halos isang taon na ang nakakalipas magmula noong una ko syang makilala at ligawan niya ako. Hindi sya pangit. Katunayan nga ay nakaaangat ang itsura niya kaysa sa mga naging boyfriend ko. Pero hindi naman iyon sapat na aspeto para ipagkatiwala ko sakanya ang puso ko. Mabilis kasi syang mabadtrip. Mahilig pa naman akong mang asar at mag joke. Tahimik rin sya. Salungat sa pinaka unang aspeto na tinitingnan ko sa mga lalaki. Gusto ko kasi ay yung makulit at maingay. Yun bang makasasabay sa lakas ng bunganga at kadaldalan ko. Pero magugustuhan ko siguro ang gaya nya pagdating sa away. Para ako lang ang tatalak. :)

Pagkatapos kong tanggihan ang panliligaw nya ay bumalik naman kami sa pgiging magkaibigan. Dumating pa nga sa time na pinuntahan nila ako ng kapatid nyang babae sa bahay at inaaya ako sa church nila. Panay naman ang pagdadahilan ko para hindi makasama, gaya ng ginagawa ng isa pa naming kaibigang babae sa tuwing aayain na mag worship. Iba kasi ang relihiyon nila, at sigurado akong pagagalitan ako ni Mama kapag nalaman niyang sumasama ako sa church nila.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napa OO nang tanungin nya akong muli sa isang inuman kasama ang mga kaibigan namin. Hindi ko sya mahal, pero parang bigla akong sumaya. Siguro namiss ko lang talaga yung may ka Holding hands habang ihinahatid ka ng lalaki pauwi sa bahay nyo. Yung may magbibitbit ng bag mo kapag magkasama kayo. Yung magsasabi ng I Love You sa telepono. Yun bang may magaalaga sayo kapag may sakit ka. Pagagalitan ka kapag kumain ka ng pagkaing bawal sayo. Ipapaalala sayo na magdala ng payong kapag umuulan. Ipasusuot sayo ang jacket nya kapag malamig ang gabi. Magbabayad ng lahat ng kakainin at iinumin nyo sa date. Manlilibre sayo ng pamasahe. Magseselos kapag may kausap kang lalaki. Mangunguna sa pagbati sayo ng GOOD MORNING, GOOD AFERNOON, at GOOD NIGHT na may sweet dreams pang kasama. Apat na beses kang tatanungin kung kumain ka na kasama ang merienda. Babati sayo ng Happy Monthsary every month at Happy Anniversary kung papalarin kayo at aabot ng taon.

Iyon talaga ang nasa isip ko matapos nya akong ihatid sa bahay at nang bigla akong napaisip kung bakit ko sya sinagot. Pero kapag naaalala ko ang sandaling magkasama kami, napapangiti ako. Maya't maya ay nagpa- flashback sa akin ang masaya at nakakikilig na sandaling iyon. Pero hindi pala sya kagaya ng inaasahan kong boyfriend. Hindi sya nagtetext at tumatawag. Kailangan pa na ako ang mauunang gumawa ng paraan para magkausap kami. Palaging walang reply at madalas na nakapatay ang telepono nya. Ilang beses ko na syang tinanong tungkol sa ex nya pero biglang nagiging issue ang TIWALA. Nga naman. Kung may tiwala ako sa kanya, hindi ako magududa kung mayroon nga syang iba. Pero MALI. Minsan talaga, kailangan nating MAGDUDA para lumabas ang katotohanan. Kung hindi tayo magdududa, hindi tayo gagawa ng hakbang para siyasatin ang telepono nya at tanungin ang tropa nya. Tsaka ko lamang nalaman na nakatutulong din iyon para makapag prepare ka na para sa oras na malaman mo na tama nga ang hinala mo. Oh diba? Atleast alam mo na, bago nya pa aminin kapag nagkabistuhan na.

Simula ng tumigil ako sa pagtawag sa kanya ay hindi nya na ako pinapansin, tinatawagan at tinetext. Nalaman ko na lang sa isang kaibigan na nakita silang magkasama ng girlfriend nya bago ang bisperas ng Pasko na sweet na sweet na magkaangkas sa motor. Hindi na ako nasorpresa sa sinabi ng source ko dahil inaasahan ko na iyon. At simula rin ng araw na iyon-- hindi ko na sya boyfriend kahit walang official break up. Grabe, SMP parin ako. HAHA. :)

Isang araw bago ang bisperas ng Pasko ay pinanuod ko pa sya sa Mr. and Ms. Moonwalk. Todo suporta ako. Isinama ko pa nga ang kapatid ko at ang kaibigan nya para madagdagan naman ang titili para sa gwapong gwapong boyfriend ko. Bago mag umpisa ang pageant ay nilapitan nya pa ako at binilhan ng juice. Ang saya ko noon ang super proud ako sa kanya. Halos mapaos ako sa katitili para sa kanya. Nasobrahan yata ako sa tili kaya sumakit ang ulo ko at nilagnat ako. Umuwi na ako noon, kahit hindi pa tapos ang pageant at hindi pa naaannounce ang Final5. Nag GM pa ako nang makauwi sa bahay: "Wah. Nilalagnat na napagalitan pa. :(

AiKEE/HAROLD

Mr. Face of the Night and Loves of my life. Congratulations! Hope u make it 2 d final 5. Love u much! Win or Lose, you have my heart. :*

GM"

Nagkausap pa kami pagkatapos noon. At gaya ng mga nakaraan naming paguusap, naputol ang tawag sa ILOVEYOU. Hindi ko alam na iyon na pala ang huling I Love You na maririnig ko mula sa kanya.

Ilang araw matapos ang pageant at iconsider ko nahindi ko na sya boyfriend ay binisita ko ang profile nya sa Facebook. Ang pogi, nagpost na ng pictures at nakapagpalit na ng profile picture! Panay ay click ko sa mouse nang biglang mahagilap ng mata ko ang isang litrato kung saan may ka holding hands syang babae. Hindi no! HINDI ako ang babaeng iyon. At kahit na matagal ko nang tanggap na may iba talaga sya, mas masakit sa pakiramdam na makita mo pa na magkasama sila. Biglang gumuho ang mundo ko at napuno ng galit ang puso ko. "PUTA! MATAPOS AKONG LAGNATIN SA KATITILI PARA SA KANYA, MAY IBA PA PALANG TUMITILI PARA SA KANYA?" At ang masakit pa, kung hini pa pala ako umuwi at hinintay ko na matapos ang pageant, NAKITA ko pa sila. :(

Unti unting gumuho ang mga pangarap ko para sa aming dalawa. Hindi naman ako broken hearted, hindi ko lang talaga matanggap na matapos kong lampasan ang 3 month rule ng walang jowa, sasaluhin lang pala ako ng lalaking may nasalo na palang lima. Ayun, hindi niya pala kayang bumuhat ng dalawa kaya't kailangan niyang ilaglag ang isa. Pero sino naman ang sisisihin ko? Wala namang mangyayari sa akin kung patuloy akong magagalit sa kanya. Hindi ko rin naman maaaring sisihin ang sarili ko. Kapag babagsak ka ba sa bangin, mapipili mo na bumagsak ka sa isang malambot na kama? Hindi, diba? :||

Para Kay Khat


January 31, 2011

11:18 pm

Dear Khat,

Nitong mga nakaraang araw, ilang beses ko nang binisita ang Facebook account mo. Dun ko lang napansin yung panahon. Mahigit isang taon na pala simula ng umalis ka. At this February, 18 ka na. Masyado akong naging busy sa school, at kalokohan. Hindi ko man lamang namalayan na isang taon na pala ang lumipas.

Kamusta ka na dyan Khat? 'Yan, umiiyak na 'ko. Ngayon ko lang kasi narealize na sobrang nakaka miss ka. Kahit hindi naman talaga kita namimiss after ng graduation natin nung high school. Madalas naman kasi kitang makasabay sa jeep sa Baclaran at nakakukwentuhan. Iba pala kapag wala na talaga 'yung tao. 'Yung kahit na anong hanap mo, hindi mo na makikita. Puro alaala nalang ang naiwan. *singhot

18 na pala ako pre, nung November pa. Naalala ko nung 17th birthday ko, pinilit mo kong papuntahin ka. Inasahan kita, pero hindi ka naman nagpakita. Ikaw din sana 18 na this February. Sayang.

Dati, akala ko tanggap ko na 'yung nangyari sayo. Pero hanggang ngayon, naghahanap parin ako ng sagot. Minsan nga, naiisip ko kung anong pumasok sa isip mo at naisip mong umalis-- ng walang balikan.

Binalikan ko yung high school days. Masaya naman tayo diba? Kahit panay ang asaran, nakatawa parin tayo. Masaya diba? Lahat ng bonding, ang mga practice para sa energizer, field trip, pangangamote sa exam, katamaran kapag cleaner ka, lahat. Masayahin ka naman. Doon ko lang naintindihan na kahit ang mga pinaka masayang tao sa mundo, napapagod ring lumaban.

May kaklase ako ngayon na medyo maihahawig ko sayo. Pareho kayo ng paraan ng pananalita. At medyo pareho rin kayo ng sukat ng katawan. Pero hindi nya kayang punan 'yung original na Khat.

'Yung kasama na sa pang araw araw na buhay ang pagkuha ng litrato-- at stolen shots na magugulat at maiinis ka kapag naka post na sa Multiply mo yung karumaldumal naming istura at wala na kaming magagawa.

'Yung palaging may hawak na bote ng C2 litro sa loob ng school at ayaw magpainom.

'Yung laging naghuhubad ng sapatos sa loob ng room at nakataas ang paa kahit naka palda.

Kapag binabalikan ko yung mga araw na kasama ka namin Khat, doon ko nalalaman na ang laki pala ng papel na ginampanan mo sa buhay ko-- at marahil sa buhay din ng mga iba mo pang kaibigan.

Kung alam ko lang na may problema ka, sana nandun ako noong mga panahong kailangan mo ng kausap at kasama. Sabay tayong iinom ng C2 hanggang sa pumutok ang pantog natin.

Tama sila, hindi mo malalaman ang halaga ng isang bagay hanggang sa mawala ito sayo-- at sa pagkakataong 'yun, huli na ang lahat.

Pero sigurado naman akong masaya ka na kasama Siya. :)

Advanced happy birthday pre. Miss na kita. Yung tawa mo, pag take mo ng pictures na ang Primary sa Friendster, ang medyas mo, at ang mga sabunot mo.

Darating rin yung time na magkikita uli tayo. Marahil hindi mamaya, bukas, sa makalawa, sa isang taon etc. Sa tamang oras Khat, magkikita ulit tayo. At sana sa panahong 'yung ay naaalala mo pa rin ako. At Dyan natin ipagpapatuloy ang medyo tumumal nating friendship.

Hanggang dito nalang pre, sinisipon na ko eh. First time mo kong mapaiyak Khat! Ikaw na, ikaw na. :)

Happy Birthday ulit, friend. :)

PS. Sorry kung wala ako sa tabi mo sa mga orasna kailangan mo ng kaibigan.

-- Marj

Shot Glass (Kwentong Tagay)

"Tama na 'yan, inuman na. Hoy pare ko tumagay ka. Nananabik na lalamunan. Naghihintay, nag-aabang. Lalalalalalalaseeeeeeeeeeng.."

Kumakanta ang barkada sa saliw ng kantang "Inuman Na" ng bandang Parokya ni Edgar gamit ang lumang gitarang kulay pula kasabay ang pag palo ng mga kamay ng mga kalalakihan sa bilog na lamesita na nagmimistulang tambol ng tropa.

Malakas na tawanan, hindi mapigilang kasiyahan. Maligaya ang buong barkada sa kabila ng namumulang mga mata at umiikot na paningin. Hindi nila alintana ang mainit at masikip na paligid maging ang kanilang mga sariling amoy.

"Hoy Kaye, tagay mo na 'yan! Kanina pa 'yan d'yan oh. Halos tubuan na ng ugat 'yung shot glass," sabi ng tanggero kay Kaye na nakatingin sa kaniyang cellphone.

"Oo, heto na. Akala mo naman hindi iinumin!" At ininom ng dalaga ang isang maliit na basong puno ng inuming siguradong nakalalasing. Ininom niya ito ng parang tubig at saka sinundan ng pag inom ng iced tea.

Matapos tumagay ay tinignang muli ni Kaye ang kaniyang telepono. May ilang mga bagong mensahe at binuksan niya ang mga ito.

May mga mensaheng mula sa kaibigan at ka clan niya. Mga grupong mensahe na mas kilala sa 'GM,' 'JIEM,' at '9r0upf mh3sxz463,' para sa mga usong Jejemon. Ibinabahagi ang bawat nangyayari sa kanilang buhay. Ang kanilang mga ginagawa gaya ng pagkain, paglalakad, panunuod ng telebisyon, pakikinig sa musika, pag-aaral, paliligo, paglalaba, paghuhugas ng pinggan at iba pa. Kulang na lamang ay ibahagi sa mga kakilala na sila ay HUMIHINGA. Ibinabahagi rin at mistulang ipinagyayabang ang mga bagay na mayroon sila gaya ng pagbabahagi ng kanilang kinakain sa mga oras na iyon, ang lugar na kinalalagyan nila sa mga panahong iyon, panunuod ng sine, at pag- inom ng kape--- lalo na kung Starbucks. May iba namang maganda ang pagbati gaya ng "Magandang umaga!" , "Magandang tanghali," "Magandang hapon," at "Magandang gabi."

May ilang mensahe naman mula kay Aling Marta.

"Nasaan ka na?" "Anong oras ka uuwi?" "Umuwi ka na, gabi na."

Isa- isang binura ni Kaye ang mga mensahe. Hindi na niya sasagutin ang mga mensahe ng ina upang hindi na ito mangulit pa.

"Anong oras ka uuwi?" Tanong ni Kaye kay Jenny na madalas niyang kasama sa mga inuman at gala ng tropa. "Maya- maya, tapusin na natin 'to. Kaunti na lang 'yan oh," sabay turo ng kaibigan sa isang bote na halos kalahati pa ang natitirang laman.

Nakakaramdam na rin ng hilo ang dalaga, at lalo pang umingay ang barkada. Mga lasing na sila, at medyo nakakapambulabog na ng iba. Huminto na sa pagkanta at paggamit ng gitara ang mga lalaki. Ngayon ay nagkukumpulan na sila sa isang sulok at hinihimas ang likod ng mga kaibigang babae.

Hindi, hindi nila pinagsasamantalahan ang mga kaibigan. Tinutulungan nila ang mga ito na isuka lahat ng nainom nila. "Tumatawag ng uwak," sabi nga ng mga taong bihasa na sa pag- inom.

Naubos na ang laman ng ika- limang bote ng inumin ng tropa. Aaaaaah! Laking pasasalamat ni Kaye at makakauwi na rin siya.

Nakakatuwang pagmasdan ang buong barkada habang sabay- sabay na naglalakad pauwi. Pasuray- suray lahat sila, at ang iba naman ay halos gumapang na sa sobrang kalasingan. Ganoon din si Kaye, na sa mga oras na iyon ay inaakay ng matalik na kaibigang si MacMac.

"Bitiwan mo nga ako!" Sabi ni Kaye sa best friend niya. "Bitiwan? Kapag binitiwan kita, tutumba ka. Gago." Sabi ni MacMac kay Kaye habang nakangiti.

"Hindi naman ako lasing. Naka- inom lang. Bitiwan mo na 'ko. Kaya ko pa maglakad ng tuwid," pagyayabang ng dalaga.

Binitiwan si Kaye ng kaibigan. Lumakad siya ng pagewang-gewang kahit sisusundan pa ang linya sa kalsada.

Plaaaaaaaaaaaaaag! At saka sya tumumba. Nagulat ang buong barkada sa pagkakatumba ng kaibigan nila. Tutulungan na sana siya ni MacMac nang bigla syang tumayo at nagpatuloy sa paglalakad ng parang walang nangyari. Inakbayan si Kaye ng isa paang hilo na si Jenny.

Boooog! At sabay na natumba ang dalawa at saka tumawa. Hindi maipagkakaila sa itsura, lakad, at kilos nila ang kalasingang dulot ng pag inom ng alak.

Tumba-tayo-tumba-tayo. Hindi alintana ang mga galos at sugat na dulot ng ilang beses na pagbagsak ng buong katawan na dulot ng matinding kalasingan. Malapit na si Kaye sa kanilang bahay. Inayos ang kaniyang buhok, halos paliguan na ang sarili sa pabango, at saka kumain ng menthol candy upang hindi maamoy ng ina kapag ito'y kinakausap na.

Nakarating na sa bahay si Kaye. Sarado ang mga ilaw sa kwarto, at hindi nya naririnig ang telebisyon mula sa labas. Agad niyang tiningnan ang kanilang gate kung ito ay naka- kandado mula sa loob. Bukas. Inaasahan nya na ito, dahil hindi na siya mahihintay pa ng ina nang hanggang sa ganoong mga oras. Maaga kasi kung matulog ang kaniyang ina at ang kapatid niyang bunso. Nagtatrabaho naman ang kaniyang ate sa isang call center at nasa graveyard shift ito.

Pumasok si Kaye at marahang isinara ang gate at ang pinto. Sa sobrang hio at antok ng dalaga ay dumeretso na ito sa kaniyang kwarto. Wala nang bihis bihis, hindi na siya kumain at hindi na rin naglinis ng katawan at nagsipilyo. Plakda si Kaye dulot ng 'nomo' session ng tropa.

Nambubulabog nanaman ang mga manok na panabong ng kapitbahay. Hindi ito ang gumising kay Kaye kundi ang mainit at maliwanag na sinag ng araw na nagmumula sa bukas na bintana ng kaniyang silid.

Sukdulan ang sakit ng ulo niya. Saka lamang naalala ng dalaga ang mga nangyari kinagabihan. Ang kantahan at tawanan, ang saya at ligaya, at ang mapait na lasa ng inuming iniinom mula sa isang shot glass. Hindi ito gaano kasarap, ngunit kakaibang ligaya naman ang naibibigay habang iniinom ito. Ang pangit lang ay ang mararamdamang sakit ng ulo at hilo pagkagising mo. Ito ang tinatawag na "hang over."

Nakatikim nanaman kagabi si Kaye ng bagong pangalan ng inuming nakalalasing. Naalala niya tuloy ang unang araw na nakatikim siya ng alak.

Nasa ikaapat na taon siya noon ng sekondarya nang yayain ng matalik na kaibigang si Jenny na uminom sa bahay nila. Noong una ay ayaw niya, dahil hindi naman siya umiinom. Sumama siya ngunit isinumpang hindi titikim ng kahit na ga-patak ng alak. Sa huli ay napilit siya ng kaibigan na tumikim-- na nauwi sa pagtikim ng pitong tagay ng Emperador. Nalasing siya, ngunit hindi nakaranas ng hang over pagkagising niya kinaumagahan. Kahanga- hanga, para sa isang baguhan sa pag- inom.

Tumayo so Kaye sa higaan. Saka lamang niya napansin na naka- pantalon parin siya. Suot niya pa rin ang damit niya kinagabihan.

"@#!$%&*^*!! Aray!" Napasigaw si Kaye ng sumanggi ang siko niya sa pader. Doon lamang niya nabatid ang mga galos at sugat niya sa siko at tuhod na dulot ng ilang ulit na pagtumba niya kagabi habang naglalakad pauwi kasama ang barkada.

Hindi na ito bago para sa kanya. Sa katotohanan pa nga ay natatawa siya sa sarili niya. Ngunit hindi siya muna dapat magsaya. Inihanda niya nia ang sarili sa pagbaba at sa magiging sermon ng ina. May mga oras pa naman na ubod ng sungit si Aling Marta na para bang sobra ang lakas ng buwanang dalaw. May mga oras naman na ubod ito ng bait. Ngunit madalas siyang sermonan ng ina. Maging ang mga dati niya pang nagawang mga bagay na hindi nito nagustuhan ay mauukit pa, kapag nagalit ito sa kaniya.

"Ano'ng pagkain?" Tanong ni Kaye sa ina habang nasa tapat ng hapag kainan at iniaangat ang takip ng mga plato.

"Ano'ng oras ka a umuwi kagabi?" Usisa ng ina.

"Eleven. Traffic kaya," pagsisinungaling ni Kaye na ala- una talaga ng madaling araw nakarating sa bahay.

Sigurado ang dalaga na maniniwala ang ina sa pineke niyang oras ng pag- uwi niya dahil maaga ito kung matulog.

"Ah ganoon ba? Oh sige at kumain ka na," sagot ng ina.

Walang mintis. Nakalusot nanaman si Kaye. Kahit kailan talaga ay hindi pumapalya ang mga mabenta at patok na palusot ni Kaye sa kaniyang ina.

Tutut! Tutut! Tunog ng telepono. May isang mensahe mula sa kaniyang boyfriend na si Mark. Nakikipaghiwalay na ito. At hindi na siya napigil pa ng dalaga.

Naiyak si Kaye at isa lamang ang pumasok na solusyon sa kaniyang isipan--- ang maglasing.

Tama ang pagkakataon, umalis si Aling Marta at ang kapatid niyang si Carmela. Maaari siyang uminom. Party Party!

Lumabas ng bahay si Kaye upang bumili ng alak at iced tea. Nagdala ng paper bag upang hindi makita ng mga tsismosang kapitbahay na siguradong magsusumbong sakaling makita siyang bumibili ng alak. Sa malayong tindahan bumili ang dalaga, kung saan walang makakikita na kakilala ng kaniyang ina.

Bumili siya ng isang bote ng maliit na Matador Brandy at dalawang pakete ng Nestea. Tinimpla niya ito sa isang tasa, at saka nagsalin ng kaunting alak sa hiwalay na tasa. Uminom mag- isa si Kaye sa sala ng kanilang bahay habang nanunuod ng isang lumang pelikula sa telebisyon. Mapait at mainit sa lalamunan, ngunit matindi ang kagustuhan niyang malasing. Tila naadik ang dalaga sa pakiramdam na nararanasan niya kapag 'tinamaan' na. Maya maya ay nagsalin na siya ng maraming alak sa tasa niya. Unti- unting nilagok ang mapait na inumin at saka sinusundan ng pag inom ng iced tea.

Sa kalagitnaan ng pag inom niya ay may humintong tricycle sa harap ng bahay nila. Laking gulat ni Kaye nang makitang si Aling Marta pala at ang kapatid na si Carmela ang dumating. Mabilis niyang inilabas ang dalawang tasa na iniinuman niya at saka binuhusan ng tubig. Inakyat niya sa kwarto ang bote ng Matador na halos kalahati pa ang natitira at saka bumalik sa sala at nagpanggap na nanunuod lamang ng telebisyon.

"Nandito na pala kayo. Ang bilis ah," sabi niya sa dalawa.

"Amoy alak ah!" sabi ng bunsong kapatid ni Carmela.

Kinabahan ang dalaga.

"Oo nga eh. Kanina ko pa naaamoy. Baka umiinom nanaman 'yung kapitbahay," palusot niya.

Hindi kumibo ang kapatid at ang kaniyang ina.

"Yes! Lusot!" pagdiriwang ni Kaye sa isipan niya.

Hilo si Kaye na umakyat at pumasok sa kaniyang kwarto. Nahiga ito at hindi namalayang siya pala ay nakatulog.

Mahal na mahal ni Kaye ang alak. Hinding hindi niya ito ipagpapalit kaysa sa mga ibang masasarap na inumin sa mundo. Para sa kaniya, wala nang ibang inumin pa ang mas sasarap sa pakiramdam na naidudulot ng alak sa katawan niya. Mainit, at kakaiba ang pakiramdam ng pagkalasing. Idagdag mo pa ang saya na madarama mo kapag kasama mong umiinom ang kabarkada mo. Hindi mawawala ang sya at tawanan. At mga asarang minsan ay may pikunan. Walang maitatago sa kanila kapag lahat kayo ay lasing na. Oras na mawala ang mga tama, umpisa na ng kantiyawan sa barkada.

"Si ______ sumuka!"

"Si ______ iniyakan ang jowa niya!"

"Si ______ natumba!"

At marami pa. Hindi maiiwasang pagkuwentuhan ang bawat detalyeng nangyari sa inumang naganap.

Nagising si Kaye sa tunog ng kaniyang telepono, sa ikalawang pagkakataon. Isang mensahe mula sa boyfriend niya na ilang oras pa lamang ang nakararaan nang makipaghiwalay sa dalaga.

"Kaye? Sorry. Hindi ko sinasadya. Akala ko kaya ko, pero hindi pala. :(" sabi ni Mark.

Sa sobrang pagmamahal, hindi natiis ng dalaga ang pinakamamahal na si Mark. Pumayag siya na makipag- balikan sa kasintahan ng ganoon na lamang. Walang paliwanag, basta 'sorry' lang.

Walang "hindi na mauulit."

Walang ni anumang pangako na hindi na mauulit pa ang nangyari na nag udyok sa dalaga na magpaka-lasing mag- isa. Pag- ibig nga naman.

Napalitan ng kinang at tuwa ang mga mata ni Kaye na kanina lamang ay luha ang dumadaloy.Mahal niya si Mark, at kahit ano ay kaya niyang gawin para dito.

"Debut ni Shey mamaya ah. Pupunta ka ba?" tanong ni Mark.

"Oo. Ikaw?"

"Oo naman. Hihintayin kita doon ha,"

"Okey, sige."

"Ano'ng susuotin mo, Panget?"

"Dress, malamang. Haha,"

"O sige, wala na akong load eh. Kita nalang tayo mamaya Babe. I love you!"

"I love you more! Muah!" At natapos ang usapan.

Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ng dalaga. Matapos ng nangyari na naging sanhi ng pag inom niya ng alak ay kinikilig pa rin siya sa boses ng kaniyang sinisinta. Dali- dali ay naligo na siya. Maaga dapat siyang maligo, para makapag paganda siya at lalong magustuhan ni Mark.

"Dapat kabog ako mamayang gabi!" sabi niya sa sarili.

***

Nakarating na si Kaye sa party suot ang isang itim na bistida. Wala na ang mga sando at kamisetang karaniwang suot ng barkada. Napalitan na ito ng mga long sleeves at magagarang mga pormal na kasuotan.

Sa malayo pa lamang ay nakita na niya si Mark kasama ang ilan pang mga kaibigan. Naupo siya sa tabi ng kasintahan at bag umpisa na ang kasiyahan.

Ika- labing walong kaarawan ng kanilang kaibigan. Syempre, hindi mawawala ang alak matapos ang katakot- takot na kainan.

Tapos na ang kasiyahan nang mapag- pasyahan nila na doon matulog sa bahay ng kanilang barkada.

"Hindi ako pwede, magagalit si mama," sabi ni Kaye kay Mark.

"Ipa text mo nalang kay Shey. Pumapayag naman 'yun kapag tinext ng kaibigan mo diba? Sumama ka na," pagpupumilit ni Mark.

Hindi pa nalalaman ang sagot ay nakisaya na rin si Kaye sa mga kaibigan na ipinagpatuloy ang inuman sa kalsada katapat ng bahay ng ay kaarawan na si Shey. Maya- maya ay tinawag siya ni Mark at naupo silang dalawa sa loob ng isang tricycle.

Niyakap siya ng kasintahan at saka sinabing,

"Mahal kita. Kailan mo ba 'ko ipapakilala sa mama mo?"

"Alam mo naman na hindi pa pwede 'diba? Pagagalitan ako sigurado,"

"'Wag mo 'kong iwan ha? Kasi hindi kita iiwan,"

"Oo naman. Pangak..."

Bago pa man matapos sa pagsasalita ay dumampi na ang mga labi ng binata sa mga labi ni Kaye. Hindi niya alam ang gagawin, ngunit nagustuhan niya ang nararamdamang iyon.

Ganoon na lamang ang gulat ng dalaga nang tila ibang halik na ang ginagawa nila ni Mark. Hindi na ito kagaya ng dati, na dumarampi lamang ang labi ng binata sa mga malalambot niyang mga labi. Iba ito kaysa dati. Alam niyang may mali sa nangyayari ngunit hindi niya nagawang pumalag gawa ng kakaibang pakiramdam na dulot ng halik mula sa lalaking pinakamamahal niya.

Bigla na lamang ay itinulak ni Kaye ang kasintahan. Naramdaman niya ang mga kamay nito na lumalakad papunta sa kaniyang mga dibdib.

"Bakit?" Tanong ng binata.

"Wala," sagot niya habang sukdulan ang pamumula ng mukha.

Ang saya sa mukha ni Kaye ay napalitan na ng pagkahiya.

"Hindi naman tayo nagse- sex ah,"

"Kahit na,"

Ngunit hindi natinag si Mark. Nagpatuloy pa rin ito. Gusto nang umalis ni Kaye ngunit matindi ang pagmamahal niya sa lalaki. Kung aalis siya, baa sakaling makipaghiwalay na naman ito sa kaniya. Kaya naman ay pinabayaan na lamang niya ang kasintahan sa kaniyang ginagawa. Wala na rin siyang sapat na lakas para manlaban. Lasing na rin siya, at namamanhid na ang mukha.

"Hindi naman siguro masama ito, hindi naman nababawasan ang aking pagkatao," sabi niya sa sarili.

Kinabukasan ay bigla na lamang nag-iba ang kasintahan niya. Hindi na siya kinakausap, at hinaharot pa ang kaibigan niyang kagabi lamang nakilala.

Hindi na rin niya ito pinansin hanggang sa umuwi siya. Buti na lamang ay hindi siya kinagalitan ng ina.

Isang araw habang pauwi na si Kaye ay naisipan niyang itext ang kasintahan.

"Mahal m p b ako?" messgage sent.

Naglalakad si Kaye kasama ang dalawang kaibigan nang tumunog ang telepono niya.

"Magagalit k b skn?"

"hnd. kung ano sgot mo, wla n ko mggwa," sagot niya.

"Oo."

Natuwa si Kaye sa sagot ni Mark sa pag-aakalang mahal pa siya ng boyfriend niya.

"Ano'ng oo?" tanong niya.

"hndi n kta mhl."

Bigla na lamang natigilan si Kaye. Naramdaman niya na lamang ang unti- unting pag patak ng luha mula sa kaniyang mga mata hanggang sa maging agos na ito. Masakit para sa kaniya, matapos ang lahat ng ginawa at tiniis niya para kay Mark.

Sa pagkakataong ito ay hindi na mag- isang uminom si Kaye. Nilibre niya ang buong barkada at saka nagpaka lunod sa alak. Pagkatapos noon ay okey na siya. Alak lang talaga ang kailangan. Iyan si Kaye.

Isang araw ay gumagala si Kaye kasama ang isang kaibigan. Inaya siya nitong dumaan sa bahay ng isan kaibigan na nagdiriwang ng kaarawan.

Pagdating nila sa bahay ng sinasabing may kaarawan ay laking gulat na lamang niya nang makita si Jeff, ang crush niya noong nasa high school siya. Crush rin ito ng iba pa niyang mga kaibigan. medyo nahiya si Kaye at tahimik lamang na naupo sa harap ng isang lamesa sa labas ng isang bahay na may tatlong bote ng Matador sa ibabaw.

"Mamaya na tayo umuwi, ubusin na natin 'yan!" sabay turo ng kaibigan sa mga bote ng alak na nakapatong sa mesa.

Hindi na nakatanggi si Kaye ng makitang nakatingin sa kaniya si Jeff. Wala siyang magawa, halos matunaw siya sa tingin ng crush niya.

Matapos ang ilang sandali ay umiikot na naman ang paningin ni Kaye. Nag aya na itong umuwi at inihatid siya ng kaibigan, kasama si Jeff.

Bago pa man makauwi ay dumaan muna sila sa isa pang inuman session ng mga kaibigan niya.

"Iwan nyo na si Kaye, ako nang bahala sa kaniya," sabi ni Chito, manliligaw ng dalaga.

"Hindi pwede," sagot ng kaibigan.

"Bakit hindi?"

"Kasama niya'yung boyfriend niya. Ihahatid nga siya sa bahay nila eh," sabay turo kay Jeff.

Pinabayaan na siya ng mga kaibigan at nagsimula na silang maglakad. Habang naglalakad ay tinanong siya ni Jeff.

"Payag ka ba na tayo na?"

"Oo sige," sagot niya habang nakayuko ang ulo. Hilo na talaga siya.

Kinabukasan ay nagulat si Kaye nang malamang boyfriend na niya si Jeff. Hindi siya nainis, dahil pabor naman ito sa kaniya. Gwapo si Jeff, at siguradong maiinggit s kniya ang mga kaibigan niyang bakla at babae sa kniya.

Simula nang maging kasintahan ni Kaye si Jeff ay may napupunahan na siya kapag walang pasok. Tatlong beses sa isang linggo, walang mintis. Umuuwi siya ng umiikot ang paningin. Pero swerte siya at may Jeff na naghahatid sa kaniya pauwi.

Mahal na ni Kaye si Jeff. Masipag ito, maalaga, at maasikaso. At isa pa ay hindi ito isang 'manyakis' gaya ni Mark.

Ngunit hidi lahat at alam ni Kaye. Nalaman niya lang na dapat na siyang magising sa katotohanan isang gabing nag iinuman sila ni Jeff kasama ang iba pa nilang kaibigan.

Maganda naman ang umpisa ng session nila, kagaya ng dati.

Nag umpisa nang umikot ang paningin ni Kaye. Tawa siya ng tawa. Pagkatapos noon ay hindi na niya matandaan ang mga sumunod na nangyari.

Nagising siya sa halik ng isang lalaki. Nasa loob siya ng isang madilim na kwarto, at nakataas na ang kaniyang kamiseta.

"HUWAAAAAAAAAAG!" sinubukang sumigaw ni Kaye ngunit walang tinig na lumabas mula sa mga labi nyang hinahalikan na ngayon ng lalaking hindi niya maaninag dulot ng kadiliman sa loob ng silid na kinaroroonan.

Sinubukan niyang itulak ang lalaki ngunit hindi niya maigalaw ang mga kamay niyang nababalot na ng labis na kamanhiran.

Nagpatuloy pa rin ang lalaki sa paghalik sa kaniyang mga labi. Sa kaniyang leeg, pababa sa kaniyang mga dibdib. Walang magawa ang dalaga, kundi ang magpatulo ng luha mula sa mga mata niyang pilit na inaaninag ang mukha ng lalaking gumagawa ng kahalayang ito sa kaniya.

Nakita niya ang braso ng lalaki. May nakalay na simbolo ng yin at yang.

Sya! Hindi niya lubos akalain na magagawa ito ni Jeff sa kaniya. Muli ay pinilit niyang pumalag mula sa pagkakailalim niya sa kasintahang ngayon ay ginagawa ang isang bagay na siguradong pagsisihan niya sa buhay. Ngunit hindi pa rin sapat ang dami ng luhang nailabas niya upang mapawala ang kamanhiran ng kaniyang murang katawan.

Kinabahan na si Kaye. Naramdaman niya ang kamay ni Jeff na pababa na sa kaniyang pantalon.

ZIIIIIP! At saka binuksan ang zipper ng kaniyang pantalon.

"P*t*ng*n*m*!" Sabay sampal sa namumula ring mukha ng kasintahan.

Umalis si Kaye mula sa kinaroroonang madilim na silid. Umiiyak, at labis ang pagsisisi.

Nagpasalamat siya sa Diyos at ginsing siya bago pa man lumala ang pangyayari.

Buti na lang.

Buti na lang.

Paglisan



Sa aking paglalakad sa dalampasigan

Aking inalala mga pagsasamahan

Ngiti, saya at kaligayahan

Lungkot na kailanma'y 'di naranasan.

Kay sayang gunitain bawat sandali

Sa buhay ko na 'di puna mga mali

Sa buhay ko na ikaw lamang ang kasali

Masaya ako basta't ikaw ang nasa tabi.

Ngunit nang tumagal ika'y nag iba

Pagtingin sa akin tila naglaho na

Mistulang pagmamahal ay nalimot na

Pati kaligayahan sa aki'y pumanaw na.

Ngayon ako ay nag iisa

Naglalakad at walang kasama

Patuloy sa paghihintay sa'yo sinta

Kahit pagbabalik mo'y tila malabo na.

O kay lungkot kung ako'y pamarisan

Sa pag alis mo'y dala aking kaligayahan

Ngayon ako'y miserable at naguguluhan

Lahat ito'y dulot ng iyong paglisan.

Stop Over


Naglalakad na ako pasulong

Mag-isa, walang tumutulong

Ayaw ko na kasi na maghintay pa

Wala rin namang mangyayaring maganda.

Ngunit sa paghakbang ay tinawag nya ang pangalan ko

Isinigaw, at ako'y napahinto

Hindi ko na halos maaninag ang kanyang mukha

Masyado nang malaki, aming distansya.

"Hintayin mo ako dyan, at babalikan kita"

Marahan nyang sinambit yaong mga salita

Huminto ako at nangako sa kanya

Maghihintay ako, abutin man ng sakuna.

Gumagabi na ay wala pa rin sya

Naiinis na ako, naiinip na

NGunit kailangan, marapat talaga

Tuparin mga binitiwang salita.

Sa tagal ng pagbabalik nya

Sinubukan kong ipagtanong kalagayan nya

Ako'y nagulat ng malaman sa iba

ANAK NG TILAPYA, NAG STOP OVER PALA!

What Am I Feeling?

I dont know what Im feeling. Am I hurt? I dont think so. Am I happy? Well Im always smiling. Am I contented? With what? What am I feeling? I know! Im confused.

Though it does not show, I cant still deny the fact that Im thinking of someone. No, not because we separated and I regret it but because I regret being insensitive at the time he was asking for a second chance.

But what can I do? I was hurt that time. He kept on insisting that we should see each other every now and then. When I offered Thursday evening, he said it was too late we have nowhere to hang out. When I offered Friday, he said he has to go to school. I offered Saturday, he said he's not available on weekends. I offered Wednesday, Thursday, Friday and even Saturday the coming week, he said he has a lot of school stuffs to do. He asked if I could make an absent on thursday. I said I cant for I was supposed to pass my midterm and maybe final requirement for my Basic Photography class, he BLAMED me.

He said I have no time for him. I said I just need him to understand. There are a lot of things in my life that I need to accomplish, not just seeing my boyfriend everyday. I need to get high grades to satisfy myself and my parents, and have time to rest as well. I just needed him to understand me the way I understand that he's not fond of sending me text messages and that he plays dota all day long. His was for LEISURE, and mine was for my FUTURE.

But everytime I try to explain my side, he insists its all my fault.

A day after, he apologized and asked for a second chance. I asked him if he already understand the situation, and he was like "Napag isipan ko na. Mali ako, at may mali ka rin."

I dont know why, but I got mad that time. He really does think that Im willing to spend time on my friends and studies, and not on my boyfriend.

He wanted my time? Then why do I wait for his text message until 12 midnight?

He pissed me off when he said that he was just for show.

I want to apologize but then my pride gets on the way.

Why? Maybe I got tired of apologizing.

TIME isnt the most important thing in a relationship. I think it's LOYALTY, TRUST, and UNDERSTANDING.

I never wanted him to prioritize me. I want him to prioritize God, his Family, and mostly his studies.

I want to get high grades so that Mama wont worry about me getting involved in a relationship anymore and that I could introduce him to my WHOLE family.

Well I guess Ill just let things fall into their proper places. If it's meant to happen, it will happen-- in the perfect time, at the perfect place.

H'wag Mong Basahin Kung Hindi Naman Ikaw Ang Tinutukoy Dito


Hindi ko mapigilang bisitahin ang facebook profile nya sa twing mag-oonline ako. Tinitignan kung okey na sya pagkatapos ng lahat ng nangyari, kung may bago na ba sya, o kung nag-eemo pa rin sya gaya ko. Gusto lang naman malaman kung ano ang lagay nya sa bawat araw na lumilipas. May problema ba sya? Baka makatulong ako. Masaya ba sya? Buti naman. May iba na ba sya? Sana ay hindi sya masaktan.

Ngunit liban sa mga tanong na iyon ay may isa pa na hinihintay ko na matuklasan mula sa mga GM nya at posts sa facebook...

Mahal nya pa ba ako? Sana.

Sana..

Sana hindi ko nalang isinaalang-alang ang matagal na naming pagka-kaibigan noong panahon na naging kami.

Sana ay hindi ko na sinabing "bahala ka" noong sinabi nyang kailangan na naming maghiwalay dahil wala lang sa akin ang lahat sa tingin nya.

Sana ay hindi ko nakalilimutang itext sya palagi.

Sana ay hindi ako nakatulog noong mga oras na tinatawagan nya ako kapag malalim na ang gabi upang makipag kwentuhan.

Sana ay pumayag na akong makipagkita sa kanya noong mga oras na gusto nya akong makasama.

Sana ay nagsabi rin ako ng "mahal kita" noong tinatanong nya ako.

Sana ay sinabi ko ang dahilan kung bakit ko sya gusto.

Sana ay nagawa ko ang mga iyon.

Pero gumana nanaman ang pagiging utak kamote ko.

Pinabayaan ko syang umalis.

Hinayaang mag-isip ng mga dahilan kung bakit pinili kong maging magkaibigan kami.

Hinayaang mapunta sa iba.

Hindi ko nagawang sabihin ang mga tamang salita sa tamang tao, sa tamang panahon.

Ako nga naman. Tsaka nagsisisi kung kailan wala nang pag-asa.

Ngunit ano naman ang magagawa ko? Sadyang naguluhan ako sa mga pangyayari.

Nalaman ng mga kaibigan ko ang nangyari.

"Okey lang yan." kadalasan nilang sinasabi.

"Wala yun! Keri ko 'to." Ubod ko talaga ng sinungaling.

Pinipilit kong ngumiti kahit na may nadarama akong kirot sa aking dibdib.

Pinipilit ko pa ring pasayahin ang mga tao sa paligid ko kahit ako mismo, ay miserable.

Pinipilit kong kalimutan sya kahit na sa bawat bagay na nakikita ko sa kapaligiran ay naaalala ko sya.

Nakakaasar. Bakit na ako nagkakaganito?

Para sa isang lalaking kaibigan ko lamang noon.

Para sa isang taong nagawa akong palitan agad.

Para sa isang lalaking hindi man lamang alam na sya pala ang dahilan ng pag-eemote ko sa mga GM ko.

Para sa isang lalaking tinatawag akong PANDAK.

Para sa isang lalaking parang hindi na ako kilala ngayon.

Para sa kanya, na minahal ko ng lubos ngunit hindi naman mapapasa-akin anuman ang aking gawin.

Ngunit ano naman ang magagawa ko upang makalimot?

Wala. Wala akong maisip na paraan kung paano uumpisahan.

May oras na maiisip ko na hindi ko naman sya kailangan. Ngunit sa twing naaalala, naririnig ko ang kaniyang pangalan, bumabalik, bumabalik ang lahat ng nadarama ko para sa kanya.

Para sa isang tao na tatlong taon kong nakasama at isang araw ko lamang naging jowa.


Kailan mo nga ba masasabi na nakapag- move on ka na sa isang relasyon? Kapag ba hindi ka na nasasaktan? Kapag hindi mo na sya naaalala? Kapag hindi mo na sya iniiyakan? Kailan?

Dalawang buwan lang naman kami nagsama. At sa ikli ng panahong iyon ay nasaktan ako ng husto nang pag-pasyahan niyang makipaghiwalay sa akin--- ng walang dahilan. Dalawang buwan. Walong linggo. Sixty days. One thousand four hundred fourty hours. Eighty six thousand four hundred minutes. Five hundred eight million, four thousand seconds. Ganoon lamang katagal. Parang unang araw lamang ng pasukan tapos midterms na.

Ganoon lamang katagal--- pero hanggang ngayon na magwa-walong buwan na syang wala sa buhay ko, tila sariwa pa rin ang galos na natamasa ko sa pangiiwan nya sa akin. Okey naman sana eh. Kaso lang nga, eh walang dahilan ang pakikipag-hiwalay nya. Madali lang naman 'yun diba? Sabihin nya lamang na sawa na sya. Na napapangitan sya sa akin. Na ayaw nya sa ugali ko. Na kulang pa rin ang ibinibigay ko kahit ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko para lamang mapangiti sya. Na hindi nya na ako mahal. Kapag nalaman ko na ang dahilan, tatanggapin ko 'yun ng buong buo kahit masakit. Kahit gumuho pa ang mundo ko na natuto nang umikot sa orbit ng buhay nya. Kasi iyon lang naman ang magagawa ko--- ang tanggapin ang katotohanang ayaw na nya talaga kahit na magmakaawa pa ako sa kanya. Simple 'diba? Nasaktan nya na naman ako noong makipaghiwalay sya. Eh di umamin na sya.

Dumating naman ako sa puntong nakakalimutan ko na sya. Yung tipong tinatawanan ko na lang ang sarili ko sa tuwing maaalala ko na umiyak ako ng sobra para sa lalaking gaya nya. Nakatagpo ako ng ibang lalaki na kayang ibigay ang lahat para sa akin-- gaya ko noong kami pa. Sa puntong iyon, ako naging masaya.

Pero leche. Nauso pa ang facebook. Dahil doon, nakikita ko madalas ang mga posts nya. Ang mga latest pictures nya. Ang mga status nya na puro "LOL" lang naman ang laman. Hindi ko tuloy maiwasang i-view ang profile nya sa tuwing online ako.

Okey lang naman ako noon. Pero iba talaga ang naging epekto noon sa akin nang makita ko sya na may kaakbay na babae na siguradong girlfriend nya. Nginitian ko lamang sya pero sa totoo lang, bukod sa pagkagulat at naramdaman kong napupunit ang puso ko ng unti unti habang pinanonood ko silang maglakad na sobrang sweet sa isa't isa. Parang gusto kong magwala ng mga oras na iyon. Pero para maiwasan ang masaktan pa lalo, inisip ko nalang na ako lang talaga ang matino nyang naging girlfriend. Bitter diba?

Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin sya. Pero dahil sa tulong ng mga kaibigan ay naging okey na ako. Dapat siguro ay maging masaya na ako para sa kanya. HIndi na rin ako aasa na babalik pa sya. Ilang beses nya na rin akong niloko. Pinaasa sa mga pangako nyang hindi naman nya magawang tuparin. Eh ano naman diba? sabi ko nga, DARATING ANG ARAW NA MARIRINIG KO ANG PANGALAN NYA AT WALA AKONG MARARAMDAMANG NI KAHIT KATITING NA KIROT SA PUSO KO .

At siguro, masasabi ko nang nakapag- move on na talaga ako. :)

Nagising sa Isang Shot


Sabado na naman. Walang pasok. Walang gagawin buong araw. Magsasaya ako kasama ang aking mga kabarkada. Iinom. Magpapaka-lasing hanggang sa umaga. Tatawa ng tatawa.





Nagkita kami sa dating tambayan. Naroon pa rin ang bilog na lamesita na syang nagsisilbing patungan ng alak at pulutan. Pinapatungan rin ito ng maliit na mumurahing speaker na isinasaksak sa aking MP4 na syang tumutugtog ng malakas habang nakikikanta ang buong tropa at nagsasaya. Natatapunan ng alak. Pinapatungan ng balat ng mga chichirya. At kadalasn, natatalsikan ng suka. Ang maliit na lamesitang iyon rin ang naging saksi sa inuman sessions ng barkada sa tuwing may problema. Iyakan, at bigayan ng mga opinyon na kadalasang nagiging dulot ng pag-aaway kapag hindi nagtutugma ang mga iyon. Pero sa bandang huli, lasing lahat kami.



Hinubad ng aking kaibigan ang suot-suot na jejecap at saka inikot sa bawat miyembro ng barkada. 50 pesos ang pinaka-mababang ambag. Mayroon ring NINETY-- ninetindihan namin.



Pagtapat ng mistulang potluck sa akin ay ihinulog ko ang limang tig-iisandaang piso na natira sa isang linggong allowance ko. Nanlaki ang mga mata ng kabarkada ko at tila nagulat sa laki ng ambag ko.



"WOW! Anong nakain mo 'tol? Birthday mo ba?!" tanong ng taga-singil.



"Gago ka ba? Eh December pa birthay nyan. August pa lang ngayon. Utak hangin ka!" sabi ng isa sabay batok sa naniningil na gulat na gulat.



"Ngayon lang ba kayo nakakita ng limang daan? Mga inosente. Gusto ko malasing ngayon eh. Pakalunod tayo sa alak mga beybe!" sabi ko.



"Oh sige. Mata? Gene? Empi? Jabarr? Bulag? Mucho? Ano?" tanong ng runner sa tindahan.



"As usual, one set tayo. Para mura tsaka amats agad." sabat ng isa.





Nang dumating ang alak at pulutan, agaran itong tinimpla at washuung! Gora na ang shot glass sa pag-ikot.



Nahihilo na ako. Habang umiikot ang shot glass, bigla ko na lamang naalala ang problemang pilit na kinakalimutan ko. Ang problamang dahilan kung bakit nagpapaka-lasing ako. Pagtapos noon, biglang nagbalik ang mga alaala ko.....





***

Inimbita ako ng isang kaibigan sa kanyang birthday party. Gabi na ako nakapunta noon dahil may klase ako. Nang malapit na ako sa bahay nila ay biglang umulan ng malakas. August noon, kaya madalas ang pag-ulan. Sakto, naiwan ko ang payong ko. Ang galing talaga tumayming ng bagyo. Talagang hindi ka pauuwiin ng tuyo.



Tinext ko ang mga kaibigan ko na nasa party na ng mga oras na iyon. Sabi ko ay sunfuin nila ako at magdala sila ng payong. Hindi nagtagal ay may sumundo sa akin. Nakakahiya! Paano, hindi ko kilala ang lalaking nagsundo sa napaka-demanding na ako.



Sabay kaming naglalakad sa ilalim ng ulan, sa ilalim ng iisang payong. Mark ang pangalan nya. Masyadong gasgas ang pangalan, pero hindi gasgas sa itsura. Matangkad, maganda ang mga mata. At mayroong ngiti na kayang tunawin ang puso ng kahit sinong babae. Iniabot nya sa aking ang kanyang cellular phone at sinabing ilagay ko sa bag ko para hindi mabasa ng ulan. At saka ay ibinigay ang payong sa akin at sumugod sa ulan.



"Magpayong ka nga! Gusto mo ba magkasakit?" sigaw ko sa kanya.



"Okey lang yan." sagot nya sa akin habang naka-ngiti.



"Eh bakit ba nagpapa-basa ka pa, eh pwede namang hindi."



"Because of the GRAVITY." katwiran nya.





***

'BECAUSE OF THE GRAVITY'. Iyon ang mga salitang madalas kong marinig mula sa kanya sa tuwing nagtatanong ako sa kanya. Iyon din ang sinasagot nya sa tuwing tinatanong ko sya kung bakit ako ang mahal nya.



Masaya ako kapag kausap ko sa cellphone si Mark. Nakakatuwa syang kausap. Mahilig magpatawa. Siya daw ang may-ari ng NAIA. Isa raw siyang imbentor. Mag-iimbento raw sya ng brief na time machine. At ng cell phone na hindi nauubusan ng baterya. :))



Gentleman rin sya. Naaalala ko pa yung mga araw na nagkikita kami. Lagi nya akong inaalok ng pagkain.



Siya rin ang super hero ko. Noong nawala ko ang bracelet na isinuot sa akin ng ex boyfriend ko, pinuntahan nya ako at pinatigil sa pag-iyak. Sya rin ang kumausap sa ex ko at nagkasundo silang papalitan nalang namin ito. Sya raw ang bahala sa akin. Nagplano na kaming bumili noon nang makita ko sa study table ko ang lintik n bracelet na iyon. Malaman-laman ko lang, para sa akin pala talaga ang lecheng bracelet na 'yon. Binawi lang raw ng ex ko dahil nagka-boyfriend na akong bago.



Pinakilala nya na rin ako sa pamilya nya limang araw matapos ko syang sagutin. Mabait ang mga magulang nya. Mahilig mag videoke ang tatay nya. Naaalala ko pa noon, iniabot ng tatay nya sa aking ang song book at sinabing hindi ako makakauwi hanggat hindi ako kumakanta. HAHA !



Mabait rin ang nanay nya. Laging pinaaalalahanan si Mark na pakainin ako. Madalas rin syang magkwento sa akin tungkol sa panganay nyang si Mark. Naaalala ko pa noon pinakita nya sa akin ang baby pictures ni Mark-- NUDE photo! :))





***

Second monthsary namin noon. Nagpunta kami sa bahay nila at kumain ng lunch. Pagtapos noon ay ihinatid nya ako. Masaya ako noon, dahil naramdaman kong nagmamahalan talaga kaming dalawa.



Pagdating ko sa bahay at hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko. Nadarama ko pa ring ang sayang naramdaman ko sa selebrasyong ng ikalawang buwan ng aming pagsasama.



Habang nasa kwarto ako ay nagtext sya sa akin.



"nhie.. sa tingin ko klangan muna ntn mgbreak."



Nagulat ako sa nabasa kong mensahe. Natigilan ako at hindi napigilan ang pagtulo ng mga patak ng luha mula sa aking mga mata na kanina lamang ay saya ang dala-dala.



"bakit? may problema ba?"



Message sent. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak at kinakabahan sa magiging reply nya.



"basta. para sau dn nmn to e. mllman mo dn s tmang pnhon. bye."



At lalo akong umiyak. Ilang gabi kong pinag-isipan ang dahilan ng pakikipaghiwalay ni Mark sa akin. Ilang gabi na puno ng luha. Ilang gabi ng pagtatanong ng "Anong nangyari?" sa sarili ko.



Buti na lamang at nariyan ang barkada ko. Always to the rescue. Hindi nagtagal, dahil sa kanila ay nakapag- move on ako.





***

"msta? mark to."



"cnong mark?"



"hulaan mo...."



"kung kaya kong manghula, eh di sna hnulaan ko n ang srli q. eh d sna hndi n ko minmlas s buhay ko. mrming mark s mundo. cno k ? anu misyon m s mundo?"



"mark bagain to."



"ui. kw pla.."



"musta kna?"



"ok nmn. kw? lpit n bday mu aa.."



"uu nga ee. pnta k ha? sunduin kta sa phase1."



"ok cge.."





At hindi na sya nag reply..





***

Nagpunta ako sa birthday ni Mark. Sinundo nya ako at dinala sa bahay nila. Sabi nya ay tinatanong daw sya ng mama nya kung bakit hindi a ako nagpupunta sa bahay nila. Matapos ang tatlong buwan, hindi pa rin pala alam ng nanay nya na hindi na ako ang prinsesa ng panganay nya.



Kinilig ako noon. Naisip ko na siguro ay mahal pa rin ako ni Mark at may pagasa pa na maging kami ulit.



Inuman ang tema. Nag-iisa akong babae sa amin apat. Nang makaramdam ng hilo ay inihatid ako ni Mark pauwi at saka binigyan anko ng goodbye kiss sa labi. *kilig!



Pagtapos noon? Hindi happy ever after. Nalaman ko kasi na may girlfriend na pala sya ng panahong iyon. Leche diba? Nananahimik na ako, tapos ginulo. Ang sama. Sobrang nasaktan ako sa nalaman ko. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over. Kahit ilan nang boyfriend ang dumaan pagkatapos ng paghihiwalay namin.









Nagising ako sa totoong mundo.



"Hoy tagay mo na! Bawal ang pass ha! Walang uuwi nang hindi bangenge!" sabi ng tanggero.



At nagpatuloy ang tagay session. Sa bawat shot, ay katumbas ang paglayo at paglimot ko sa mapait na karanasang sinapit ko. Tama, walang mabuting maidudulot ang alak sa problemang dinadala. Pero para sa akin, gusto ko na makatakas sa problemang dinadala ko sa kahit na isang araw lang. Isang araw na makakaranas ako ng ligaya. Isang araw na makapag-papabalik ng dati kong saya. Kahit na magkaroon pa ako ng hungover sa paggising ko sa umaga.At pagkatapos ng maligayang araw na iyon ay sisimulan ko nang lumimot. Ang pagtahak sa landas na ang dulo ay tunay na kasiyahan ang dulot. At balang araw, maririnig ko ang pangalan nya at wala akong madarama na kahit a anumang kirot.

One Set (Kwentong Inuman)


"Tama na 'yan inuman naaaaaaa, hoy pare ko tumagay kaaaaaaaaaa.. Nananabik na lalamunaaaaaaan.. Naghihintay, nagaabaaaaaaaang.. La-la-la-la-la-la-laseeeeeeeeng..."


Kumakanta ang barkada sa kantang "Inuman na" ng Parokya ni Edgar kasabay ng pag-ikot ng tagay at pagtugtog ng gitara na hiniram lang ng aking kabarkada sa kaniyang kapitbahay. Namumula ang mga mukha, naniningkit na mga mata, lalong kumukulit, mga kwentong binabarbero, at paninging umiikot. Ramdam ko na ang epekto ng Matador sa aking katawan. Lasing na ako, at sigurado ako na gayon rin ang mga kainuman ko.

"Hoy, tagay mo na! Anak ng tilapya, may ugat na 'yung shot glass oh!" sigaw ng tanggero.

"'Eto na, 'eto na. Akala mo naman iiwasan. Eh daig mo pa tarsier sa paningin eh. Siguradong walang makatatakas sa tagayan." Pagbibiro ko habang inaangat ang shot glass at ang baso ng iced tea.

Pagkatapos ko tumagay ay tiningnan ko ang telepono ko na nakatago sa loob ng bag ko simula ng mag-umpisa ang inuman. May limang text messages na mula kay mama. Tinatanong kung nasaan na ako.

Binura ko ang mga mensahe at saka pinatay ang aking telepono. Para kunwari, lowbat na ako.

"Batsi na ko mga 'tol. Hinahanap na 'ko ni mudra eh. 'Pag 'di ako umuwi agad sigurado eh puro sermon ako nito. Alam nyo naman 'diba, daig pa nun si Gloc9 at Bonethugs kung magsalita." Pagpapaalam ko sa tropa.

"P*cha naman oh! Lagi ka nalang ganyan eh! Hindi mo man lamang ba susulitin ambag mo?"

"HAHA! Ayos lang 'yan 'tol. Mas mabuti nang goodshot kay mama. Para maka-ulit 'diba?" sagot ko.

"Oh sige, last shot!" huling hirit ni tanggero habang pinupuno ng husto ang shotglass ng alak.

Mabilis kong ininom ang alak upang maka-uwi na agad sa bahay. Naglakad ako pauwi para mabawasan ang pagka-hilo ko kahit paano. Pasuray-suray ako habang naglalakad. Mabuti na lamang ay hinatid ako ng aking mga kasama kahit pati sila ay lasing na.

Tumba-tayo-tumba. Hindi iniinda ang sakit ng mga galos at sugat na natatamo mula sa ilang ulit na pagtumba bunsod ng matinding kalasingan.

Pagdating ko sa bahay ay sarado na ang gate. Marahan ko itong binuksan at isinara muli upang maiwasang magising si mama at ang bunso kong kapatid na sa mga oras na iyon ay tiyak na mahimbing nang natutulog.

Dumeretso ako sa aking kwarto at nahiga. Wala nang bihis-bihis. Tulog na agad.


Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bukas na bintana sa aking kwarto.

"Aaaaaaaaaaaaaghh!" napa-sigaw ako sa sobrang sakit ng aking ulo, tuhod at braso. Noon ko lamang napansin ang mga galos ko buhat ng pagtumba habang naglalakad ako pauwi.

Bumaba ako sa sala upang tingnan kung ano ang nakahanda para sa almusal.

"Anong oras ka na nakauwi?" pambungad na good morning ni mama.

"10:00 ng gabi. Traffic kaya." pagsisinungaling ko. Malakas ang loob ko na umimbento ng oras ng aking pag-uwi dahil maaga kung matulog si mama. Siguradong hindi ako mabibisto.


Ako si Maya. Gala, at mahilig tumoma. Nag-aaral ako sa isang state university sa Maynila. Madalas kong imbentuhin ang iskedyul ko sa klase para maka-gala at makipag-inuman.


Madalas kong kainuman ang boyfriend kong si Erik at kaniyang mga kaibigan na hindi naglaon ay naging kaibigan ka na rin. Ang dahilan? Pare-pareho kaming mahilig uminom.

Gwapo si Erik. Crush ko na siya mula pa noong 3rd year high school kami. Tuwing dumaraan sya sa room namin ay hindi maipaliwanag ang kilig na aking nararamdaman. Crush rin sya ng aking mga kaibigan. Kaya naman ganoon na lamang ang kanilang inggit nang malaman nilang syota ko na si Erik.


"May nongga pala uli mamaya sa bahay nila Erik. KUnwari na lamang ay may pasok ako para payagan ni mama . Hehe." bulong ko sa aking sarili.


****
Nagpunta ako sa bahay nila Erik. Malayo pa ay tanaw ko na ang mga upuang naka-paikot sa isang lamesa na pinag-papatungan ng maraming pagkain. Tumakbo si Erik palapit sa akin at kinuha ang bag na bitbit ko.

"Nasaan sila Rhea? Bakit puro lalaki lang kayo 'dyan?" pag-uusisa ko.

"May pinuntahan. Madaling araw na raw makakapunta. Ayos lang 'yan. Ikaw ang muse namin. At saka nandito naman ako. Hindi kita pababayaan. I love you♥" sabi nya habang hawak nya ang mga kamay ko.

Naupo na ako katabi si Erik. Tanaw ko ang isang pitsel ng kulay dilaw na inumin.

"Ano yan Erik? Juice?" tanong ko.

"One set 'yan. Pinag-halong gin bulag, redhorse, at pineapple juice." sagot nya.

"Nyak! Eh anong lasa 'nyan?"

"Masarap 'yan. Lasang juice lang."


Tagay-pass-tagay-tagay-tagay-pass-tagay-tagay. Ilang beses nang umiikot ang baso at ramdam ko na ang matinding pagkahilo.

"Lasing na ko. Ayoko na. Kailangan 11:30 nasa bahay na ako." sabi ko kay Erik habang inaaninag ko ang mukha niya. Malabo na ang paningin ko sa sobrang kalasingan.


"Sige lang. Uminom ka pa. Ihahatid naman kita sa inyo eh."


"Tanga ka ba? Sige, ihatid mo ako sa bahay. Pero uuwi ka, wala ka nang ulo."


"Okey lang. Ipaglalaban kita kay mama. Este, sa mama mo. Mahal kita eh."


Sa sobrang kilig.. Hala sige! Tagay pa ang gaga.. Pagkatapos 'nun..






*****
Nagising ako. Napansin ko na lamang na nasa loob ako ng madilim na kwarto. Wala akong maramdaman! manhid ang boung katawan ko at hindi ako maka-galaw. Nakikita ko si Erik na palapit sa akin. Hinalikan nya ako.





"Kailangan ko nang umuwi. Ihatid mo na ako"



Ngunit walang lumalabas na boses mula sa mga labi ko na sa mga oras na 'yon ay nababalot na rin ng sobrang kamanhiran.


Patuloy sya sa paghalik sa aking mga labi.




Bumaba sa aking leeg..





"'WAAAAAAAAAAAAAAAG!!" wala pa ring lumalabas na tinig.







Naramdaman ko ang pagtulo ng mga patak ng luha mula sa aking mga mata. Ngunit tila wala iyong nagawa sa isang marahas na bagay na ngayon ay nangyayari na.


Patuloy parin si Erik sa malaswang bagay na ginagawa nya sa akin.


Naramdaman ko ang mga kamay nya pababa sa pantalon ko, sabay bukas ng zipper ko.



BOOOOOOOOOOOOGSH !!!



At bigla akong napa-tayo mula sa kinahihigaan ko.



"P*t*ng*n*m*!" sabay suntok sa makinis at namumulang mukha ng boyfriend ko. Kinuha ko ang bag ko at mabilis na lumabas mula sa madilim na kwarto.


Buti na lamang at nagising ako. Maraming salamat sa Diyos at hindi nya parin ako pinabayaan.

Buti nalang...



Buti nalang...




*****
Nakarating ako sa bahay. Umiiyak. Ngunit napatigil ako nang makakita ng sasakyan ng punirarya sa labas ng aming tahanan. Mabilis akong pumasok sa bahay upang tingnan at lamanim kung ano ang nangyari.

Natigilan ako nang makakita ng kabaong sa gilid ng aming sala.Busy ang lahat at nakasimangot ang mukha. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Kumpleto naman kami sa pamilya ah? Kulay pink ang kabaong, ang paboritong kulay ko. Marahan akong naglakad palapit sa kabaong upang tingnan kung sino ang charoterang naki-pwesto pa ng lamay sa aming bahay.


Napahinto at napa-luha ako nang makita ang nakahimlay sa kabaong. Ako pala.


Ako pala.


Hindi na ako makakapag-tapos ng pag-aaral.

Hindi na ako magiging sikat na mananayaw.

Hindi ko na madadala sa states si mama.

Hindi na ako yayaman.



..At hindi na ako makababalik pa sa buhay ko noong humihinga pa ako.



SAYANG..




sayang talaga.