Tuesday, March 15, 2011

H'wag Mong Basahin Kung Hindi Naman Ikaw Ang Tinutukoy Dito


Hindi ko mapigilang bisitahin ang facebook profile nya sa twing mag-oonline ako. Tinitignan kung okey na sya pagkatapos ng lahat ng nangyari, kung may bago na ba sya, o kung nag-eemo pa rin sya gaya ko. Gusto lang naman malaman kung ano ang lagay nya sa bawat araw na lumilipas. May problema ba sya? Baka makatulong ako. Masaya ba sya? Buti naman. May iba na ba sya? Sana ay hindi sya masaktan.

Ngunit liban sa mga tanong na iyon ay may isa pa na hinihintay ko na matuklasan mula sa mga GM nya at posts sa facebook...

Mahal nya pa ba ako? Sana.

Sana..

Sana hindi ko nalang isinaalang-alang ang matagal na naming pagka-kaibigan noong panahon na naging kami.

Sana ay hindi ko na sinabing "bahala ka" noong sinabi nyang kailangan na naming maghiwalay dahil wala lang sa akin ang lahat sa tingin nya.

Sana ay hindi ko nakalilimutang itext sya palagi.

Sana ay hindi ako nakatulog noong mga oras na tinatawagan nya ako kapag malalim na ang gabi upang makipag kwentuhan.

Sana ay pumayag na akong makipagkita sa kanya noong mga oras na gusto nya akong makasama.

Sana ay nagsabi rin ako ng "mahal kita" noong tinatanong nya ako.

Sana ay sinabi ko ang dahilan kung bakit ko sya gusto.

Sana ay nagawa ko ang mga iyon.

Pero gumana nanaman ang pagiging utak kamote ko.

Pinabayaan ko syang umalis.

Hinayaang mag-isip ng mga dahilan kung bakit pinili kong maging magkaibigan kami.

Hinayaang mapunta sa iba.

Hindi ko nagawang sabihin ang mga tamang salita sa tamang tao, sa tamang panahon.

Ako nga naman. Tsaka nagsisisi kung kailan wala nang pag-asa.

Ngunit ano naman ang magagawa ko? Sadyang naguluhan ako sa mga pangyayari.

Nalaman ng mga kaibigan ko ang nangyari.

"Okey lang yan." kadalasan nilang sinasabi.

"Wala yun! Keri ko 'to." Ubod ko talaga ng sinungaling.

Pinipilit kong ngumiti kahit na may nadarama akong kirot sa aking dibdib.

Pinipilit ko pa ring pasayahin ang mga tao sa paligid ko kahit ako mismo, ay miserable.

Pinipilit kong kalimutan sya kahit na sa bawat bagay na nakikita ko sa kapaligiran ay naaalala ko sya.

Nakakaasar. Bakit na ako nagkakaganito?

Para sa isang lalaking kaibigan ko lamang noon.

Para sa isang taong nagawa akong palitan agad.

Para sa isang lalaking hindi man lamang alam na sya pala ang dahilan ng pag-eemote ko sa mga GM ko.

Para sa isang lalaking tinatawag akong PANDAK.

Para sa isang lalaking parang hindi na ako kilala ngayon.

Para sa kanya, na minahal ko ng lubos ngunit hindi naman mapapasa-akin anuman ang aking gawin.

Ngunit ano naman ang magagawa ko upang makalimot?

Wala. Wala akong maisip na paraan kung paano uumpisahan.

May oras na maiisip ko na hindi ko naman sya kailangan. Ngunit sa twing naaalala, naririnig ko ang kaniyang pangalan, bumabalik, bumabalik ang lahat ng nadarama ko para sa kanya.

Para sa isang tao na tatlong taon kong nakasama at isang araw ko lamang naging jowa.

No comments:

Post a Comment