Friday, March 18, 2011

Short Term Relationship: Ikaw Ba Ang May Sala?


TATLONG ARAW

Tatlong araw lang pala ako naging maligaya. 'Di ko man lang napuna, tatlong araw ko'y tapos na. Araw ng kalokohan, aking kinagalakan. 'Di ko naunawaan na ako'y masusugatan.

Sabi sa I Kissed Dating Goodbye, "How many times have I given my heart away in short term relationships?" Noong unang nabasa ko 'yun, napa isip ako. Oo nga naman. Ang dami kong naging relasyong mabilis na nabigyan ng katapusan. Ang pangit nga eh. Parang scrapbook. Habang dumadami ang design, pumapangit na. Ibig sabihin, habang dumarami ang nagiging karelasyon mo, pumapangit ang image mo.

'Di ako makapaniwala at ako'y natulala. Lumulubog, lumalala. Ngunit ba't biglang nawala?

Pero kanina, napaisip ulit ako, "Kasalanan ko ba kung mabilis na natatapos 'yung relasyong pinasukan mo?"

Meron kasing mga taong hindi marunong makuntento sa isa. Mga taong akala mo eh mauubusan ng babae o lalaki sa mundo. Mga sugapa. Mga sinasamantala ang yaman, kagandahan ng mukha, laki ng katawan, at karisma nila. Feeling nila, eh maganda na nanloloko sila ng ibang tao at akala nila ay may karapatan silang paglaruan ang damdamin ng ibang nilalang.

Ang mga taong ganoon, madalas ay magaling maglihim. Lahat, itinatago. 'Yung tipong hindi mo talaga sila mabibisto. Sa sobrang galing nila, eh sa ibang tao mo pa malalaman na niloloko at ginagago ka na pala. At dahil mahal mo 'yung walang pusong 'yun, hindi ka maniniwala sa sabi sabi lang ng iba. Naniniwala ka kasi na kung mahal mo talaga ang isang tao, sa kanya ka maniniwala at hindi sa sinasabi ng ibang tao. Sasabihin mo pa na tsismosa lang sila.

Tatlong araw naging masaya, isang taong lumuluha. Bakit mo kaya nagawa, bakit ka hindi naawa?

Hindi ka nga naniwala sa sinasabi ng ibang tao pero minsan talaga, ang tadhana na ang babasag sa katangahan mo. Hayun! At mahuhuli mo syang may kasamang iba. Syempre, pulis- pulisan ang laban. Hindi mo muna sya hahampasin at gagawa ng eksenang malupit. Ngayong hawak mo na ang ebidensya kasama ng mga witness na dati pang nakakakita sa modus ng suspek, hihingin mo pa rin ang statement nya. Ang gago, tatanggi pa. Anak ng tilapya naman oh! Nalambat mo na, pipilit pang kumawala. Pero dahil sa galit mo, lalabas din ang totoo. Ang bagay na matagal na naipagkait sa iyo dala na rin ng pagiging martyr mo. Ouch. The truth really hurts.

Ngunit kung mapagbibigyan, ang patalim ay hahawakan. Kahit na magmukang timang, basta magkabalikan!

Syempre ang suspek, kapag nahuli mo na, eh hihingi ng walang kamatayang "sorry" na may kasamang iyak at paawa effect. Tapos sabay sasabihing hindi na nya uulitin, wag mo lang sya dispatsahin.

Tatlong araw lang pala, di man lang ginawang lima. 'Di ko man lang napuna, tatlong araw ko'y tapos na.

Pero dapat talaga e hindi na pinakakawalan pa ang mga gumagawa ng kasamaan. Hindi naman talaga sila matututo hanggat hindi sila natuturuan ng leksyon. Ang "sorry" kasi, hindi mo malalaman kung totoo o kasinungalingan hanggat hindi mo sinasabing "okey lang."

Masakit, pero kailangan mong tanggapin ang totoo. Sabi nga, the truth will set us free.

(Tatlong araw lang pala ako naging maligaya. 'Di ko man lang napuna, tatlong araw ko'y tapos na..... Tatlong araw, tatlong araw. Tatlong araw tatlong araw, TATLONG ARAW!)


No comments:

Post a Comment