January 31, 2011
11:18 pm
Dear Khat,
Nitong mga nakaraang araw, ilang beses ko nang binisita ang Facebook account mo. Dun ko lang napansin yung panahon. Mahigit isang taon na pala simula ng umalis ka. At this February, 18 ka na. Masyado akong naging busy sa school, at kalokohan. Hindi ko man lamang namalayan na isang taon na pala ang lumipas.
Kamusta ka na dyan Khat? 'Yan, umiiyak na 'ko. Ngayon ko lang kasi narealize na sobrang nakaka miss ka. Kahit hindi naman talaga kita namimiss after ng graduation natin nung high school. Madalas naman kasi kitang makasabay sa jeep sa Baclaran at nakakukwentuhan. Iba pala kapag wala na talaga 'yung tao. 'Yung kahit na anong hanap mo, hindi mo na makikita. Puro alaala nalang ang naiwan. *singhot
18 na pala ako pre, nung November pa. Naalala ko nung 17th birthday ko, pinilit mo kong papuntahin ka. Inasahan kita, pero hindi ka naman nagpakita. Ikaw din sana 18 na this February. Sayang.
Dati, akala ko tanggap ko na 'yung nangyari sayo. Pero hanggang ngayon, naghahanap parin ako ng sagot. Minsan nga, naiisip ko kung anong pumasok sa isip mo at naisip mong umalis-- ng walang balikan.
Binalikan ko yung high school days. Masaya naman tayo diba? Kahit panay ang asaran, nakatawa parin tayo. Masaya diba? Lahat ng bonding, ang mga practice para sa energizer, field trip, pangangamote sa exam, katamaran kapag cleaner ka, lahat. Masayahin ka naman. Doon ko lang naintindihan na kahit ang mga pinaka masayang tao sa mundo, napapagod ring lumaban.
May kaklase ako ngayon na medyo maihahawig ko sayo. Pareho kayo ng paraan ng pananalita. At medyo pareho rin kayo ng sukat ng katawan. Pero hindi nya kayang punan 'yung original na Khat.
'Yung kasama na sa pang araw araw na buhay ang pagkuha ng litrato-- at stolen shots na magugulat at maiinis ka kapag naka post na sa Multiply mo yung karumaldumal naming istura at wala na kaming magagawa.
'Yung palaging may hawak na bote ng C2 litro sa loob ng school at ayaw magpainom.
'Yung laging naghuhubad ng sapatos sa loob ng room at nakataas ang paa kahit naka palda.
Kapag binabalikan ko yung mga araw na kasama ka namin Khat, doon ko nalalaman na ang laki pala ng papel na ginampanan mo sa buhay ko-- at marahil sa buhay din ng mga iba mo pang kaibigan.
Kung alam ko lang na may problema ka, sana nandun ako noong mga panahong kailangan mo ng kausap at kasama. Sabay tayong iinom ng C2 hanggang sa pumutok ang pantog natin.
Tama sila, hindi mo malalaman ang halaga ng isang bagay hanggang sa mawala ito sayo-- at sa pagkakataong 'yun, huli na ang lahat.
Pero sigurado naman akong masaya ka na kasama Siya. :)
Advanced happy birthday pre. Miss na kita. Yung tawa mo, pag take mo ng pictures na ang Primary sa Friendster, ang medyas mo, at ang mga sabunot mo.
Darating rin yung time na magkikita uli tayo. Marahil hindi mamaya, bukas, sa makalawa, sa isang taon etc. Sa tamang oras Khat, magkikita ulit tayo. At sana sa panahong 'yung ay naaalala mo pa rin ako. At Dyan natin ipagpapatuloy ang medyo tumumal nating friendship.
Hanggang dito nalang pre, sinisipon na ko eh. First time mo kong mapaiyak Khat! Ikaw na, ikaw na. :)
Happy Birthday ulit, friend. :)
PS. Sorry kung wala ako sa tabi mo sa mga orasna kailangan mo ng kaibigan.
-- Marj
Tuesday, March 15, 2011
Para Kay Khat
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Awww. Marj naman. T-T Pag ako kaya nadeds, sulatan mo rin kaya ako ng ganto? :D Sana maganda yung picture na ipopost mo after ng title ah. xD
ReplyDeletewag ka ngan ganyan Mina! haha. pero umiyak talaga ako habang tina type ko yan .:)
ReplyDelete