Tuesday, March 15, 2011


Kailan mo nga ba masasabi na nakapag- move on ka na sa isang relasyon? Kapag ba hindi ka na nasasaktan? Kapag hindi mo na sya naaalala? Kapag hindi mo na sya iniiyakan? Kailan?

Dalawang buwan lang naman kami nagsama. At sa ikli ng panahong iyon ay nasaktan ako ng husto nang pag-pasyahan niyang makipaghiwalay sa akin--- ng walang dahilan. Dalawang buwan. Walong linggo. Sixty days. One thousand four hundred fourty hours. Eighty six thousand four hundred minutes. Five hundred eight million, four thousand seconds. Ganoon lamang katagal. Parang unang araw lamang ng pasukan tapos midterms na.

Ganoon lamang katagal--- pero hanggang ngayon na magwa-walong buwan na syang wala sa buhay ko, tila sariwa pa rin ang galos na natamasa ko sa pangiiwan nya sa akin. Okey naman sana eh. Kaso lang nga, eh walang dahilan ang pakikipag-hiwalay nya. Madali lang naman 'yun diba? Sabihin nya lamang na sawa na sya. Na napapangitan sya sa akin. Na ayaw nya sa ugali ko. Na kulang pa rin ang ibinibigay ko kahit ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko para lamang mapangiti sya. Na hindi nya na ako mahal. Kapag nalaman ko na ang dahilan, tatanggapin ko 'yun ng buong buo kahit masakit. Kahit gumuho pa ang mundo ko na natuto nang umikot sa orbit ng buhay nya. Kasi iyon lang naman ang magagawa ko--- ang tanggapin ang katotohanang ayaw na nya talaga kahit na magmakaawa pa ako sa kanya. Simple 'diba? Nasaktan nya na naman ako noong makipaghiwalay sya. Eh di umamin na sya.

Dumating naman ako sa puntong nakakalimutan ko na sya. Yung tipong tinatawanan ko na lang ang sarili ko sa tuwing maaalala ko na umiyak ako ng sobra para sa lalaking gaya nya. Nakatagpo ako ng ibang lalaki na kayang ibigay ang lahat para sa akin-- gaya ko noong kami pa. Sa puntong iyon, ako naging masaya.

Pero leche. Nauso pa ang facebook. Dahil doon, nakikita ko madalas ang mga posts nya. Ang mga latest pictures nya. Ang mga status nya na puro "LOL" lang naman ang laman. Hindi ko tuloy maiwasang i-view ang profile nya sa tuwing online ako.

Okey lang naman ako noon. Pero iba talaga ang naging epekto noon sa akin nang makita ko sya na may kaakbay na babae na siguradong girlfriend nya. Nginitian ko lamang sya pero sa totoo lang, bukod sa pagkagulat at naramdaman kong napupunit ang puso ko ng unti unti habang pinanonood ko silang maglakad na sobrang sweet sa isa't isa. Parang gusto kong magwala ng mga oras na iyon. Pero para maiwasan ang masaktan pa lalo, inisip ko nalang na ako lang talaga ang matino nyang naging girlfriend. Bitter diba?

Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin sya. Pero dahil sa tulong ng mga kaibigan ay naging okey na ako. Dapat siguro ay maging masaya na ako para sa kanya. HIndi na rin ako aasa na babalik pa sya. Ilang beses nya na rin akong niloko. Pinaasa sa mga pangako nyang hindi naman nya magawang tuparin. Eh ano naman diba? sabi ko nga, DARATING ANG ARAW NA MARIRINIG KO ANG PANGALAN NYA AT WALA AKONG MARARAMDAMANG NI KAHIT KATITING NA KIROT SA PUSO KO .

At siguro, masasabi ko nang nakapag- move on na talaga ako. :)

No comments:

Post a Comment