Saturday, July 23, 2011

Si KOKEY

Kapag kasama ko si Kokey, feeling ko ay always okay. Lahat kami napapa yehey, laging happy everyday!

Hindi ko maikakaila sa inyo na sinubaybayan ko si Kokey noong 1997. Napanuod mo na ba si Kokey kasama si Carlo Aquino? Napatawa ka ba ni Kokey habang tinataguan ang nanay ng kasamang bida nang iuwi sya nito sa bahay nila? Napahalakhak nang pumuslit ito ng isang slice ng baboy mula sa chopping board at nang magsisigaw si nanay ng makita nya si Kokey habang ngumangasab ng piraso ng ulam? Malamang naiyak ka rin nang mapagdesisyunang ibenta ni tatay si Kokey para sa milyones. At napaiyak nang bumalik na si Kokey sa planeta nya.

Nagbago naman ang itsura ni Kokey noong ipalabas sya sa ABS-CBN noong 2007. Hindi ko alam kung naging mas cute o nakakatakot ang alien na ito. Pero naging mas maganda at makulay naman ang istorya. Dito nauso ang iba't ibang terms ni Kokey na mula sa Planet Yekok. Ila sa mga ito ang Chipeka, at Pinyoko (kaibigan). Maganda ang palabas, pero walang kinalaman ang istorya sa blog na ito. :)

Nagbago ang pananaw ko sa isang pinyoko magmula nang makilala ko ang PINAKA matinding version ni Kokey. Ang iskepik ng Kokey na ito ay bumagsak sa Linear Park ng PUP. Nahilo sya mula sa pagbagsak, naglakad ng pagewang gewang at napunta sa COC carpark.

Hindi laging mabait ang Pinyokong ito. Uminit na yata ang dugo dahil hindi nya mahanap ang Chipeka. Kaya kahit pati kami ng mga kaklase ko eh pinagbabalingan ng sama ng loob.

Mahilig magtanong si Kokey. Bakit ganito? Paanong ganyan? Ano ito? Lahat. Lahat na raw ng pinagaaralan namin ay alam nya at isang oras lamang ay kaya nyang tapusin ang librong aming ginagamit. Iba talaga ang aura ni Kokey. Matindi. Isang uri ng presensyang masarap tabuyin. NAKAKABANAS.

Lahat tayo ay daraan sa pagpapahirap ni Kokey. Wag tayong sumuko. Tulungan natin sya sa halip na magtanim ng sama ng loob. ITAAS natin ang ating mga kamay upang makapag ipon ng sapat na enerhiya si Kokey upang mahanap ang chipeka at maayos ang kanyang iskepik. Sa ganitong paraan, madidispatsa na natin si Kokey sa COC carpark, matutulungan pa natin syang makita muli si Umamay Kakay at Kekay. :)

No comments:

Post a Comment