Mabilis ang lahat ng pangyayari. Sa sobrang bilis nga, ni hindi ko alam kung paanong bigla na lang na nawalan kami ng komunikasyon. Parang kanina lang, ang sweet namin. Tapos booogsh! Parang hindi na kami magkakilala ngayon.
Hindi naman talaga planado ang pagsagot ko sa kanya. Halos isang taon na ang nakakalipas magmula noong una ko syang makilala at ligawan niya ako. Hindi sya pangit. Katunayan nga ay nakaaangat ang itsura niya kaysa sa mga naging boyfriend ko. Pero hindi naman iyon sapat na aspeto para ipagkatiwala ko sakanya ang puso ko. Mabilis kasi syang mabadtrip. Mahilig pa naman akong mang asar at mag joke. Tahimik rin sya. Salungat sa pinaka unang aspeto na tinitingnan ko sa mga lalaki. Gusto ko kasi ay yung makulit at maingay. Yun bang makasasabay sa lakas ng bunganga at kadaldalan ko. Pero magugustuhan ko siguro ang gaya nya pagdating sa away. Para ako lang ang tatalak. :)
Pagkatapos kong tanggihan ang panliligaw nya ay bumalik naman kami sa pgiging magkaibigan. Dumating pa nga sa time na pinuntahan nila ako ng kapatid nyang babae sa bahay at inaaya ako sa church nila. Panay naman ang pagdadahilan ko para hindi makasama, gaya ng ginagawa ng isa pa naming kaibigang babae sa tuwing aayain na mag worship. Iba kasi ang relihiyon nila, at sigurado akong pagagalitan ako ni Mama kapag nalaman niyang sumasama ako sa church nila.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napa OO nang tanungin nya akong muli sa isang inuman kasama ang mga kaibigan namin. Hindi ko sya mahal, pero parang bigla akong sumaya. Siguro namiss ko lang talaga yung may ka Holding hands habang ihinahatid ka ng lalaki pauwi sa bahay nyo. Yung may magbibitbit ng bag mo kapag magkasama kayo. Yung magsasabi ng I Love You sa telepono. Yun bang may magaalaga sayo kapag may sakit ka. Pagagalitan ka kapag kumain ka ng pagkaing bawal sayo. Ipapaalala sayo na magdala ng payong kapag umuulan. Ipasusuot sayo ang jacket nya kapag malamig ang gabi. Magbabayad ng lahat ng kakainin at iinumin nyo sa date. Manlilibre sayo ng pamasahe. Magseselos kapag may kausap kang lalaki. Mangunguna sa pagbati sayo ng GOOD MORNING, GOOD AFERNOON, at GOOD NIGHT na may sweet dreams pang kasama. Apat na beses kang tatanungin kung kumain ka na kasama ang merienda. Babati sayo ng Happy Monthsary every month at Happy Anniversary kung papalarin kayo at aabot ng taon.
Iyon talaga ang nasa isip ko matapos nya akong ihatid sa bahay at nang bigla akong napaisip kung bakit ko sya sinagot. Pero kapag naaalala ko ang sandaling magkasama kami, napapangiti ako. Maya't maya ay nagpa- flashback sa akin ang masaya at nakakikilig na sandaling iyon. Pero hindi pala sya kagaya ng inaasahan kong boyfriend. Hindi sya nagtetext at tumatawag. Kailangan pa na ako ang mauunang gumawa ng paraan para magkausap kami. Palaging walang reply at madalas na nakapatay ang telepono nya. Ilang beses ko na syang tinanong tungkol sa ex nya pero biglang nagiging issue ang TIWALA. Nga naman. Kung may tiwala ako sa kanya, hindi ako magududa kung mayroon nga syang iba. Pero MALI. Minsan talaga, kailangan nating MAGDUDA para lumabas ang katotohanan. Kung hindi tayo magdududa, hindi tayo gagawa ng hakbang para siyasatin ang telepono nya at tanungin ang tropa nya. Tsaka ko lamang nalaman na nakatutulong din iyon para makapag prepare ka na para sa oras na malaman mo na tama nga ang hinala mo. Oh diba? Atleast alam mo na, bago nya pa aminin kapag nagkabistuhan na.
Simula ng tumigil ako sa pagtawag sa kanya ay hindi nya na ako pinapansin, tinatawagan at tinetext. Nalaman ko na lang sa isang kaibigan na nakita silang magkasama ng girlfriend nya bago ang bisperas ng Pasko na sweet na sweet na magkaangkas sa motor. Hindi na ako nasorpresa sa sinabi ng source ko dahil inaasahan ko na iyon. At simula rin ng araw na iyon-- hindi ko na sya boyfriend kahit walang official break up. Grabe, SMP parin ako. HAHA. :)
Isang araw bago ang bisperas ng Pasko ay pinanuod ko pa sya sa Mr. and Ms. Moonwalk. Todo suporta ako. Isinama ko pa nga ang kapatid ko at ang kaibigan nya para madagdagan naman ang titili para sa gwapong gwapong boyfriend ko. Bago mag umpisa ang pageant ay nilapitan nya pa ako at binilhan ng juice. Ang saya ko noon ang super proud ako sa kanya. Halos mapaos ako sa katitili para sa kanya. Nasobrahan yata ako sa tili kaya sumakit ang ulo ko at nilagnat ako. Umuwi na ako noon, kahit hindi pa tapos ang pageant at hindi pa naaannounce ang Final5. Nag GM pa ako nang makauwi sa bahay: "Wah. Nilalagnat na napagalitan pa. :(
AiKEE/HAROLD
Mr. Face of the Night and Loves of my life. Congratulations! Hope u make it 2 d final 5. Love u much! Win or Lose, you have my heart. :*
GM"
Nagkausap pa kami pagkatapos noon. At gaya ng mga nakaraan naming paguusap, naputol ang tawag sa ILOVEYOU. Hindi ko alam na iyon na pala ang huling I Love You na maririnig ko mula sa kanya.
Ilang araw matapos ang pageant at iconsider ko nahindi ko na sya boyfriend ay binisita ko ang profile nya sa Facebook. Ang pogi, nagpost na ng pictures at nakapagpalit na ng profile picture! Panay ay click ko sa mouse nang biglang mahagilap ng mata ko ang isang litrato kung saan may ka holding hands syang babae. Hindi no! HINDI ako ang babaeng iyon. At kahit na matagal ko nang tanggap na may iba talaga sya, mas masakit sa pakiramdam na makita mo pa na magkasama sila. Biglang gumuho ang mundo ko at napuno ng galit ang puso ko. "PUTA! MATAPOS AKONG LAGNATIN SA KATITILI PARA SA KANYA, MAY IBA PA PALANG TUMITILI PARA SA KANYA?" At ang masakit pa, kung hini pa pala ako umuwi at hinintay ko na matapos ang pageant, NAKITA ko pa sila. :(
Unti unting gumuho ang mga pangarap ko para sa aming dalawa. Hindi naman ako broken hearted, hindi ko lang talaga matanggap na matapos kong lampasan ang 3 month rule ng walang jowa, sasaluhin lang pala ako ng lalaking may nasalo na palang lima. Ayun, hindi niya pala kayang bumuhat ng dalawa kaya't kailangan niyang ilaglag ang isa. Pero sino naman ang sisisihin ko? Wala namang mangyayari sa akin kung patuloy akong magagalit sa kanya. Hindi ko rin naman maaaring sisihin ang sarili ko. Kapag babagsak ka ba sa bangin, mapipili mo na bumagsak ka sa isang malambot na kama? Hindi, diba? :||
No comments:
Post a Comment