Friday, July 13, 2012

Malaya na Ako

Source: Google Images
 



     Medyo matagal na rin simula noong una kong ikulong sa mga palad ko ang pag- asang aking pinanghahawakan. Maraming nagsabi na katapangan ang ginawa ko dahil hindi iyon karaniwan sa mga kababaihan. Ang iba naman ay napakunot ang noo at naniniwalang katangahan ang aking ginawa.

     Katangahan man o iyon o katapangan, mas lalo ko pang hinigpitan ang pagsara ng aking palad. Dahil ayaw kong mawala ang pagasang darating rin ang panahon na magiging maayos ang lahat. Na sasang-ayon ang kapalaran sa akin. Na sasaya rin ako.

     Ilang beses kong pinilit na lumapit sa kayamanang matagal ko nang gustong makuha.Isang kayamanang dati ay akala ko'y magiging akin. Ngunit isang araw ay nagbago ang ikot ng mundo niya at tila nagiba ang takbo ng tadhana. Nag-iba ang lahat. Pinilit kong ibalik ang mga bagay sa dati nilang kinalalagyan ngunit hindi ko nagawa. Hindi ko naman pala kasi nga magagawa iyon ng mag-isa.

     Hanggang sa dumating sa puntong mamanhid ang aking mga palad sa sobrang higpit ng pagkakasara nito. Tila nagpupumiglas ang nakasilid na pag-asa upang makalaya. Unti- unti kong itinaas ang nakasara kong palad upang maibsan ang matindi nitong pangangawit. Ginawa ko ang lahat. Ginawa ko ang lahat upang tuparin ang pangako ko sa aking sarili at sa aking pangarap-- na hindi ako bibitiw. Na papatunayan kong karapat dapat iyon na mapasakin.

     Matagal na akong naghihintay na tuluyang mapalapit sa isang kayamanan. Una ay gusto ko lamang syang masilayan. Hanggang sa gusto ko na syang mahawakan. Hanggang sa gusto ko na syang mapasa-akin. Hanggang sa.. Hanggang saan? Hindi ko alam kung ano ang nangyari ngunit tila hindi naman ito ang kayamanan na para sa akin.

     Sa paglipas ng mga araw ay unti- unti nang tinangay ng daluyong ang pag-asang pilit kong ikinulong sa aking mga palad. Sa patuloy na pagbawas ng pag-asa ay nakita ko kung gaano kalabo ang pagkakataong mangyari ang gusto ko. Ngunit sa kabila noon ay mas pinili ko pa ring hawakan ang natitira pang pag-asa.

     Hindi ko na kaya, sabi ng aking palad na namumula na at halos hindi ko na madama dahil sa sobrang manhid at ngawit.

     Pinagmasdan mo ang palad ko at nakita kong hindi pala pag-asa ang ikinulong ko rito. Hindi pag-asa kundi ang sarili ko. Ang sarili ko, kasama ang puso kong tila hindi marunong mapagod sa patuloy na pagmamahal at paghihintay. Pusong tila manhid na sa sobrang dami ng sakit at pagdurusang pinagdaanan. Pusong tila nawalan na ng konseptong pagmamahal sa sarili nya.

     Ngunit lahat ay may hangganan. Binuksan ko ang aking palad at tuluyan nang tinangay ng daluyong ang natitirang pag-asa sa aking mga palad.

     Kung makukuntento tayo sa kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan, hindi na natin pa kakailanganganing maghangad ng mas magandang umaga. Kung makukuntento ka sa kung ano ang mayroon ngayon, maging pangit man ang pagsalubong sa'yo ng umaga, hindi na gaanong sasama ang gising mo. Kung maging iyo man ang bukang liwayway, nanamnamin mo ang tamis ng kinaumagahan hanggang sa mga susunod pang mga araw.




Monday, June 4, 2012

Ang Ngiti ni Manong B

Source: http://alamuchachafea.multiply.com/journal/item/52/manong_sa_roxas_blvd.?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem
Excited akong lumabas ng bahay nang marinig ko ang potpot ni Manong B na may kasunod na sigaw na paborito at inaabangan ko gabi-gabi. Binuksan ko ang gate namin at saka sumigaw ng “Manong!” Huminto naman si Manong B sa harap ng bahay namin at saka nag-komento sa maulang panahon ngunit nakangiti. Bumili ako ng isang penoy (dahil wala syang balut) at isang balot ng kropek (dahil wala na rin syang chicharon). Automatic na rin ang pagbuhos nya ng napakaraming suka sa bitbit kong mangkok at hindi pumalya sa pagsasabi ng “Oh, para kapag nag paksiw kayo.” Nagmamadali akong pumasok sa bahay para kainin ang mga binili ko.

Ipinukpok ko ang penoy sa dulo ng center table namin na gabi-gabi kong ginagawang kainan. Napakunot ang noo ko nang makitang kakaiba ang itsura ng hawak kong penoy. Kakaiba at di rin kanais-nais ang amoy nito. Malas. Bulok ang nabili ko. Pero okey lang! May kropek pa naman ako. Doble ang kunot ng aking noo nang malamang hindi malutong kundi chewable ang kropek ko. Para hindi masayang ang sampung pisong ibinayad ay ibinabad ko na lang sa napakasarap at napaka anghang na suka ni Manong ang binili ko. Pwede na.

Hindi ako nag enjoy sa kinain ko ngayon. Gusto ko sanang ibalik kay Manong B ang bulok nyang penoy at ang makunat nyang kropek, pero hindi rin ako nag enjoy sa naisip ko. Naalala mo ang gaspang ng kamay ni Manong. Ang mga wrinkles at uban nyang sinubok na ng panahon. Ilang bahay kaya ang nadaraanan nya sa isang gabi? Ilan naman kaya sa mga bahay na iyon ang gising pa at nakakarinig ng sigaw nya? Hindi naman malaki ang kita sa balut, penoy, kropek, at mani na inilalako nya gabi gabi. Naisip ko, sapat na ba ang kita nya gabi gabi para matustusan ang pang araw-araw nyang pangangailangan? Kuryente, tubig, pagkain, at renta sa bahay? At kung may mga anak sya, kakayanin kaya ng kita nya ang matustusan ang pagaaral nila? Ang baon nila at pamasahe sa eskwela? Idagdag pa ang mga projects at mga bayaring pwersahang ipinaoobliga ng mga guro sa estudyante kahit hindi naman kailangan.

Lalo akong nalungkot sa naisip ko. Sa halos gabi-gabing pagbili ko kasi kay Manong ng balut ay naging kaibigan ko na sya. Bilib ako sa kanya dahil hindi nawawala ang ngiti nya at ang mahina nyang tawa sa tuwing bibili ako sa kanya. Mahirap ang buhay para sa akin. Dahil ang dami kong ginagawa sa eskwela. Dahil mahirap ang mga exam. Dahil terror ang professor. Pero ano'ng karapatan kong magreklamo, gayong hindi naman lahat ay nabibigyan ng oportunidad na makapag kolehiyo tulad ko? Araw-araw akong may baon. Nagagawa ko pa ngang gumala at makipagsaya sa mga kaibigan ko.

Ano ang karapatan kong sumimangot dahil ayaw ko ng ulam na nakahain sa harap ko samantalang may mga taong nagpupuyat para lamang may mailaman sa kumakalam nilang sikmura? Ano ang karapatan kong magreklamo sa baon kong sobra pa sa pamasahe at pangkain ko, gayong may mga pinipilit na pumasok kahit na wala silang baon at may iba pa nga na gustong mag-aral ngunit walang magawa?

Nakakalungkot isipin na ang dami dami kong inerereklamo sa buhay ko ngayon samantalang may mga taong gustong magkaroon ng kahit hindi marangya, ngunit maayos na pamumuhay na mayroon ako ngayon. Nakakalungkot para sa kanila. Dahil wala akong magawa. Dahil hindi ko sila matulungan. Dahil ganyan talaga ang buhay.

Nalungkot ako para kay Manong. Ano ba naman ang 25pesos na inaaksaya ko lang sa load kumpara sa 25pesos na pambili nya na ng bigas para sa pamilya nya? Naalala ko ang ngiti ni Manong at napalitan ng pagkabilib ang lungkot at awa ko para sa kanya. Dahil sa kabila ng hirap na dulot ng buhay ay hindi sya sumusuko at nagagawa nya pang ngumiti. Ang lakas ni Manong. Astig.

Untamed Heart


Source: Google Images


Waiting for you on the side of the road
Thinking of the things that you have told
Things are starting to be getting bold
Rain started to pour now I feel cold

Now that I still don't have you here
I'm starting to have this fear
Though I can't see I might be near
In my heart you've put a sear.

Sometimes I run out of hope
On pursuing the price I sought
These feelings are starting to grow
When can I have you on my own

How I wish this rain could heal
And wash off my feelings now for real
'Cause I just can't stop what I feel
And it's starting to make me ill

How many heartbreaks can stop me
'Cause these days, I'm no longer happy
I should admit that I'm feeling sorry
I'm getting frail, my heart's weary.

But I know it'll be better after the rain
And I'll no longer be feeling pain
With my love for you still unfeigned
'Cause this heart can never be tamed.

This Isn't Forever


Source: Google Images



I'll wait for you,” I told you before
I'll be right here when you need me
I'll wait until you're ready
I promised you that for sure.

I don't know why I said those words
You seemed to be numb about them
Do you know I also get hurt,
I can bare it, just don't know 'til when.

I always show you how I feel
Just to prove you that it's for real
But it hurts me when you just laugh at it
As if refusing, trying to change the topic.

What happened to us, we barely talk
We were never like this before
I think of you, I even stalk
If it's a disease, what is the cure?

I miss the old us, the way we were before
I though we'd get there, but we're getting farther apart
Just tell me what to do, all I need is closure
Please tell me what you feel, I'm losing my composure.

I won't be like this forever
When you just need me when you're sober
It pains me more thinking you barely care
Like you don't remember the days we shared.

As long as I don't run out of hope I'll be waiting
It's the least I could do to prove I'd do anything
Hoping when you come for me it's not too late
'Cause I never wanted you to feel the pain.

But if you feel pain 'cause I have changed
I'd still be there for you though life's rearranged
Maybe not like what I am today
But as a friend who promised I will stay.



If You Love Me


Source: Google Images


Seeing you from the ground
Hearing each and every sound
In my heart I hear it loud
Yours like rock, mine's like cloud.

In my state I'm like a worm
Striving through each and every storm
My smile's been over used it's nearly torn
I'll wait for you that I sworn.

From down here I see you there
Thinking if you ever care
Sometimes thinking life isn't fair
But then I see you, my heart's a glare.

But when I started to fling my wings
I was smiling, realizing things
Thought of what might this love can bring
Still in this fairytale, you are my king.

Why don't you love me instead?
'Cause I can't seem to get you out of my head
Thinking you don't care, tears I shed
Oh look where this feelings have me led.

If you just try to at least love me
Try embrace this love completely
A feeling that's in it's extremity
And heal my heart that's full of frailty.

If you try to see right through my heart
That I have loved you from the very start
You're just near me but we're worlds apart
Wishing for you on a falling star.

Just a Dream

Source: Google Images





The first time I met you
you were just a dream
Something that I'll be praying for
every night
Something that I'll always want
but I will never have

You were just a dream
Someone so special
though simple you may seem.
Someone who could take
my breath away
Oh, you are but a dream.

Dreams aren't always
as good as you want them to be
Sometimes I dream of you
But many times I lose you
Often I forget what I saw in my sleep

Soon I'll wake up
from dreaming of you
Wake up to your smile
or wake up with a broken heart
But you, you were just
a dream.

You were just a dream
Something I never want to lose
but something I never had
Something I never held in my hands
but something I can't let go of.

You'll be just a dream
Not until I can have you
Not until I call you mine.
Not until you come true.
Not until the perfect time.

You are just a dream
something worth the fight
You are just a dream
I think about every night

You are just a dream
I'll strive to have you here
My feelings are true
with that, have no fear.

Thursday, May 24, 2012

20 People

Name 20 people you can think of right off the top of your head. Don't read the questions underneath until you write the names of all 20 people. This is a lot funnier if you actually randomly list the names first. -Pass On-

1. Queen

2. Ariel

3. Cha

4. Mina

5. Jess

6. Jomar

7. Jonathan

8. Charnnie

9. Bok

10. Naga

11. Barbie

12. Kuya Ping

13. Kuya Alex

14. Arjoie

15. Ralph

16. Christian

17. Jessa

18.Paul

19. Mark

20. Kevin

- How did you meet 3?
> School. :)






- What would you do if number 2 and 6 were going out?
> Sasama. HAHAHA!






- What do you know about number 8?
> Cheekbones. :)








- What do you think of number 7?
> Super nakakatawa. xD






- What would you do if 5 confessed he/she loves you?
> I'll tell her I love her too. :)






- A fact about 9?
> SMART




- Who's going out with 1?
> Di ko alam. BOOM!










- What's 4 do for a living?
> Nagbebenta ng kidney. xD




- Where does 7 live?
> Sa Main. HAHA








- What do you like about number 1?
> EVERYTHING.


- Do you miss number 2?
> Oo naman. :)








- What is your opinion of number 6?
> Fashionista. :)










- What do you think about number 5?
> Galante. :)


- What would you do if 3 and 8 were going out?
> Iw. Di talo. HAHA




- Who does 2 like?
> Walang balita eh.




- Would you ever go to the movies with number 9?
> OO NAMAN! Miss ko na yun eh. :)






- Is number 4 hot?
> Yes. xD






- What can u say about number 10?
> Makulit tumawa. xD




- Does 20 know 16?
> NO.






- What sport does 14 play?
> Badminton? xD






- What school is 17 from?
> TUP. :)






- Will 18 and 12 work out as lovers?
> NO. Hindi talo. xD


- Is 11 friendly?
> I think so.






- Would you go out with 13?
> Pwede. Sa Fairwood. HAHA


- Are you close to 15?
> Medyo. :)






- Ever dated 19?
> NO! Tropa yan. :)




- Is 16 a good friend of yours?
> YES!. :)










- What would you like to say to 12?
> Thanks for being like a real Kuya. And for helping me always. I owe you a lot and I'll be here for you, too. :*






- What would you like to say to 17?
> IMY teh. :)






- Ever Gotten into a fight with 18?
> Hindi pa. haha






- Describe 20.
> PANDA






- What if 11 and 15 dated?
> BROMANCE? HINDI PWEDE. HINDING HINDI!!!!!!!!!!!!!!!






- Would 16 and 19 make a good couple?
> No. Hindi talo. HAHA






- Is 15 a good kisser?
> I'll find out. HAHA


- How about 19?
> Let's ask her girlfriend. xD


- One Word reminds you of 2
> FRIENDSHIP. <3