Wednesday, May 16, 2012
ANYARE?!
“It's funny how day by day nothing changes. But when you look back, everything's different.”
Nakatutuwang isipin na parang wala namang nangyayaring bago sa araw araw na gumigising tayo, hanggang sa pagtulog natin sa gabi. Pero kapag tinignan natin ang nagdaang panahon at binalikan ang nakaraan, mapagtatanto natin na sobrang dami na palang pangyayaring nagdaan. Mga pangyayaring napgpatawa, nagpasaya, nagpalungkot, nagpaiyak, nakapagpagalit, nakapang inis, at nakapagpabago sa buhay natin. Mga pangyayaring nag contribute sa kung ano tayo ngayon. At maiisip natin na sobrang daming nagbago.
Naranasan nyo na ba na manibago pero huli na ng maramdaman mo 'yun? 'Yung nakaupo ka lang tapos maiisip mo na dati, ganito. Dati, ganyan. Pero ngayon, hindi na. Nagbago na ang ikot ng mundo.
Naranasan mo na bang maging masaya nang maging kaibigan mo ang taong gustong gutso mo? Lalo na kapag nakakatext mo sya palagi. 'Yung tipong itetext ka nya ng Good Morning sa umaga. Itetext ka kapag oras na para kumain. Sasabihing magingat ka kapag aalis ka. Sa gabi naman, pilit mong lalabanan ang antok para makatext lang sya ng matagal. Hanggang madaling araw ay katext mo sya. Tapos magigising ka na lang sa umaga, at hawak ang telepono mo. Maaasar ka sa sarili mo dahil nakatulog ka pala. Agad agad mong ichecheck ang telepono mo kung may messages galing sa kanya. At agad agad kang magsosorry dahil nakatulugan mo sya.
Tapos, lahat ng bagay ay mapaguusapan nyo. Magbabanatan kayo ng pickup lines. Mapapansin mo na lang na unti unti ka nang nahuhulog sa kanya. Masaya ka, dahil close kayo at feeling mo ay may chance na ganoon din sya sayo dahil sa closeness nyo.
Pero isang araw ay biglang hindi na sya nagtext. Isang araw. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa abutin ng isang linggo. Tapos ay nalaman mo na lang na may gusto sya sa isang babae. Hindi mo alam kung sino, pero nasaktan ka ng husto. Hindi kasi ikaw ang tinutukoy nya. OUCH.
Tapos ay tumumal na ang pagkakaibigan nyong dalawa. Hindi na sya nagtetext sayo sa umaga kahit may load sya. Hindi ka na nya sinasabihang kumain na. Hindi mo na sya nakakatext at bored yo death ka na buong araw. At makakatulog ka ng hindi sya katext. At paggising mo sa umaga, umaasa ka pa rin na makakatanggap ka ng message ulit galing sa kanya. Pipilitin mo ang sarili mong maniwala na sobrang busy lang sya. Pero masasaktan ka lang lalo. Dahil busy sya sa iba.
Masasaktan ka lalo dahil alam mo na wala ka namang karapatang maramdaman 'yun. Dahil magkaibigan lang naman kayo. Dahil wala naman syang sinabi sayo na gusto ka nya. At wala naman syang ipinangako sa itetext ka nya habang buhay.
Isang araw ay makakatanggap ka ng text mula sa kanya. Kakamustahin mo sya at ang babaeng gusto nya. Sasabihin nya sayo na naguguluhan sya. Gagawin mo naman ang lahat para sabihing magiging maayos din ang mga bagay bagay. At kahit masakit at taliwas sa nararamdaman mo, sasabihin mo na masaya ka para sa kanya. Na kung mahal nya yung babae ay ipaglaban nya ang nararamdaman nya. Tapos, biglang hindi nanaman sya magtetext..
REPEAT.
REPEAT.
REPEAT.
REPEAT.
REPEAT.
REPEAT.
REPEAT.
REPEAT.
REPEAT.
REPEAT.
REPEAT.
REPEAT.
REPEAT.
Nasasaktan ka na diba? Pero hindi ka pa rin sumusuko. Kahit gusto mo nang lumayo, ay hindi mo magawa. Dahil naiisip mo na hanggat hindi pa sila, ay may natitira ka pang pagasa. Na darating din ang araw na magigising sya at ikaw na ang gusto nya. Na makikita nya rin ang efforts mo. At malalaman nya na andyan ka lagi para sa kanya. Na gagawin mo lahat para sa kanya, kapalit man nito ang sarili mong saya.
Darating ka sa puntong gusto mo na mapagod. Dahil sobrang sakit na. Gusto mo nang gawin ang sinasabi ng mga kaibigan mo. MOVE ON. Pero hindi mo pa rin kaya. Ngingiti ka at sasabihin na kaya mo pa. Pero hindi mo ba naisip? Na simula ng magkaroon sya ng gusto sa ibang babae ay hindi na kayo gaya ng dati. Na nagbago na ang lahat sa inyo. Ay, hindi pala. Dahil NEVER kang nagbago sa kanya. NEVER kang naging busy basta sya. Hindi pala ikaw ang nagbago. Hindi pala ang pagtingin mo sa kanya ang nagbago. Kundi SYA. At ang dati'y masaya nyong pagkakaibigan.
Maiisip mo na lang, “Ano ang nangyari?”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment