Wednesday, May 16, 2012

Ang Pagibig, Parang Bangin Part1


May 13, 2012
01:41 AM

BANGIN KA BA?
.
.
.
.
.
.
NAHULOG kasi ako sa'yo.

Naranasan mo na bang makasurvive ng isang buong araw ng may isang taong walang pakundangang tumatambay sa isip mo? 'Yung iniisip mo sya simula sa paggising mo, hanggang sa paghuhugas ng plato, panunuod ng telebisyon, paggugupit ng kuko, maging hanggang sa pagtulog mo? Bonus pa kapag sya ang napanaginipan mo.

Sa mga babae, sigurado ako na marami ang makakarelate. Kaya kasi namin yun. Kasama na sa pagmumulti-task namin 'yun. Kung totoo nga na nakakagat ng tao ang dila nya kapag may nakakaalala sa kanya, matagal na sigurong wala ang panlasa nya. O kung totoo mang nasasamid ang tao kapag iniisip sya ng hindi nya alam, palihim na akong bibili ng aliping tagabigay ng tubig at taga hampas ng batok nya para di sya mamatay.

Aaminin ko na may isang taong nakatambay sa isip ko. Halos tatlong buwan na sya dito. At hindi ko alam kung paano syang pwersahang paaalisin. Hindi ko alam kung ano'ng meron sya at nakatagal sya ng ganun katagal. Kahit anong gawin ko. Kahit saan ako mapunta, sya ang naiisip ko. Kahit hanggang ngayon. Sa sobrang pagtambay nya nga, ilang beses na syang napasama sa panaginip ko. Oo, ilang beses. At isa sa mga panaginip na iyon ay talagang tumusok sa aking pagkatao. Pero ano'ng gagawin ko para mapalayas sya sa isip ko? Kailangan kong bilisan sa pagiisip kung paano. Dahil unti-unti na syang bumababa sa puso ko. Malapit na. Kaunti na lang.

Ayokong mahulog ng tuluyan sa kanya. Well, matagal na akong nahulog pero may kinakapitan pa ako. Hindi naman kasi niya ako sasaluhin. Pero kahit na ganun, umaasa parin ako na magbabago ang ihip ng hangin at bigla niyang mapagtantong kailangan nya akong saluhin. Hindi dahil gusto ko na saluhin niya ako. Hindi dahil mali ang pagkahulog nila ng babaeng gusto nya. Kundi dahil gusto at kailangan niya akong saluhin dahil nahulog na rin ako sa puso nya. Dahil kailangan nya ako. Dahil pareho na kaming nahuhulog sa isang bangin-- ang pagibig.

Hanggang ngayon ay umaasa parin ako na mangyayari iyon. Kaya nananatili akong nakakapit. Nakakaramdam ako ng ngalay minsan at naiisip kong umakyat na hangga't hindi pa ako tuluyang nahuhulog. Mahirap mahulog kapag hindi ka sasaluhin ng taong gusto mong sumalo sa'yo. Kapag nahulog ka na kasi, mahirap nang umahon. Pero mahirap din naman ang pagkapit na ginagawa ko. Dumarating nga ako sa puntong gusto ko nang bumalik sa dati kong posisyon. Sa tamang lugar. Pero sa tuwing naaalala ko kung gaano nya akong napangiti simula noong unang araw ko syang nakilala, haggang sa huling araw na sinabi niyang hindi counted yung isang point dahil mabagal syang magreply, bumabalik ang lakas ko. At handa na ulit akong maghintay.

Alam kong maaari naman akong mahulog sa iba. Na may handa namang sumalo sa akin. Pero hayaan nyo na muna akong kumapit. Hangga't alam ko na may pagasa pa. Kahit konti lang. Dahil sa oras na umakyat ako at mahulog sa ibang bangin, maaaring bumalik sya at handa na akong saluhin. Pabayaan nyo na ako mismo ang maghintay sa araw na 'yun. Kung hindi man, eh di sa araw na mahulog sya sa bangin kasama ang nakatakdang mahulog rin kasama sya. Kapag dumating ang araw na 'yun, dalawa lang ang mararamdaman ko. SAYA kung sasaluhin nya ako. At SAKIT kapag nahulog sya sa bangin ng iba ang kasama.

Pero ang sakit na 'yun ang magtutulak sa akin paitaas. Masakit, pero alam kong makakaakyat ako. At pag akyat ko, marahil ay mahulog ako sa ibang bangin. Sa tamang bangin. Sa bangin kasama ang taong handa ring mahulog sa akin. Sa karapatdapat na bangin. At magiging masaya na ako.

PS. Pagtapos kong on the spot na itype ito, binasa ko ulit para iwasto. NASAMID ako. Haaaaaayyyyy. Sana naisip nya ako. HAHAHAHAASAAAAA. xD

No comments:

Post a Comment