Tuesday, April 3, 2012

Mas maganda ka pa sa umaga.

Source: Google Images




Magandang Umaga!

Sino kayang tao ang gumugising sa umaga ng hindi gulo gulo ang buhok? Hindi amoy ewan ang hininga? Walang muta? At bakat ng kumot sa kung saan mang parte ng katawan? Mga artista at mayayaman, siguro. Pero sa mga ordinaryong tao? Sobrang bihira siguro.

Ang tao, nagaayos. Nagpapaganda at nagpapapogi para maging kaaya-aya silang tingnan. Para magustuhan ng taong gusto nila. Para mapansin ng crush nila. 'Yung mga walang pakialam, para lang maging maayos silang tingnan.

Pero naisip mo ba 'yung sarap sa pakiramdam kapag nakilala mo na 'yung taong walang pakialam kung gaano kagulo ang buhok mo? 

'Yung taong gagamitin pa ang sarili nyang kamay para tanggalin ang tsismis sa mata mo? 

'Yung taong walang pakialam kahit sobrang lakas mong humilik? 

'Yung makikinig sa mga kwento mo kahit narinig nya na 'yung kahapon sa'yo? 

Yung kahit hindi ka magpakita ng legs at cleavage, eh magagandahan at masesexyhan parin sayo? 

Yung taong hindi ka pipiliting maging ganito o ganyan. 

Yung taong kuntento sa kung ano ka ngayon, at mas magiging masaya para sayo kung susubukan mong magbago hindi para sa kanya at dahil iyon ang gusto nya, kundi para mismo sa sarili mo.

Yung taong tanggap ka na bilang (insert your full name here).

Yung taong sasabihan magpapaganda lagi ng umaga at buong araw mo.

Yung taong sasabihan kang MAS maganda KA pa sa umaga. :">


No comments:

Post a Comment