Tuesday, April 3, 2012

PARTY People: Ang sikreto sa likod ng pagibig na malaki ang hatian

Para sa mga biktima, nabiktima, at bibiktimahin ng mga babaero, lalakero, at mga taong hindi marunong makuntento.

Hindi lang pala ako ang laman ng puso niya.

Masakit isipin na maiaapply rin sa buhay pagibig ang kasabihang "Life is unfair." Love is unfair. Well, most of the time. Mahal ka, pero wala kang nararamdaman para sa kanya. Mahal mo, pero iba naman ang laman ng puso nya. Minsan pa nga, 'yung mismong mahal mo na may mahal na iba, may iba ring mahal na nagmamahal rin sa ibang tao. Pagibig nga naman. Daig pa ang food chain!

Pero may mas sasakit pa ba, kapag kayo na nga, pero hindi lang pala ikaw ang nasa puso nya? Lintik. Akala mo, magandang klase na ng isda ang nahuli mo. Malalaman mo na lang, hindi lang pala ikaw ang isda sa buhay nya. Ang saklap diba?



Sabi nila, "There are many fish in the sea." Maraming klase. Iba't ibang kulay. Iba't ibang behaviors. May mga madaling mahuli. May mga mahirap namang hulihin. May mga malalaking bilang na species, at may mga endangered na. 'Yung mga endangered, sila 'yung gusto ng nakararami, ngunit mahirap hulihin.

Mga paraan para manghuli ng isda sa larangan ng pagibig:

1. Paggamit ng Pamingwit- Ito ang pinakamagandang paraan ng pangingisda sa larangan ng pagibig. Ito rin ang pinaka malinis ang pinaka disenteng paraan para makahuli ng tamang uri ng isda. Pero, kailangan mong maghintay sa ganitong pamamaraan. Kailangan ng matinding pasensya. Pero kadalasan, masakit ang mamingwit. Hindi kasi sa lahat ng oras, ay kakagat sa pamingwit mo ang isda. Pero ganun naman talaga.Hindi sa lahat ng oras ay makakakuha ka ng isda. Hindi lang naman sa isda nakadepende ang buhay mo. Maraming nagmamahal sa'yo. Malay mo, nahihiya lang 'yung isdang para sa'yo. Maghintay ka lang, at ang pagkakataon na mismo ang bahalang maglapit sa inyo. :)

2. Lambat- kung sa pagibig, hindi magandang gumamit ng lambat. Ano 'yun, gusto mo maraming isda ang makukuha mo? Isa lang dapat. Ang gumagamit ng lambat, 'yung mga taong hindi makuntento sa isa. 'Yung gusto eh parating may reserba. Excuse me teh, marami ngang isda sa mundo, pero tirhan mo naman yung mga taong nasa paligid mo. One is to one lang. Sige ka, malay mo ang malambat mo, Piranha aka KARMA.

Ano man ang gawin mong paraan para makuha ang isdang gusto mo, wala pa ring tatalo sa sayang mararamdaman mo kapag nahuli mo na 'yung isdang PARA talaga sayo. Yung isdang hindi na magpapabingwit pa sa iba. Yung isdang kusang magpapahuli sa'yo. Yung kahuli-hulihang isda na mahuhuli mo, dahil hindi mo na kakailanganin pa ng iba.

Third party. Fourth party. Fifth, sixth, seventh, o kahit ilang party pa 'yan, kahit kailan, hindi naging tama ang pakikipagrelasyon ng maramihan. Isa ka lang. Ibig sabihin, isa lang rin ang pwede mong mahalin. Isa lang ang puso mo, ibig sabihin, isa lang ang DAPAT mong mahalin. Ang utak, marami yang sinasabi. Maraming nagugustuhan. Pero kapag sinubukan mong pakinggan ang sinasabi ng puso mo, malalaman mo na isa lang talaga ang kailangan mo. Maawa ka naman sa mga masasaktan mo. Hindi lang ikaw ang may karapatang lumigaya! At hindi rin naman pwedeng masaya ka habang nananakit ka ng damdamin ng iba. Ayaw mong masaktan, alam ko yan. Ayaw rin ng ibang tao, kaya wala kang karapatang manloko.




Pero sa totoo lang. ayoko ng isda. Mahirap silang hulihin. Hindi rin naman kasi ako magaling magswimming. Ang gusto kong hulihin, mga PENGUIN. Monogamous kasi ang mga penguin. Monogamous. Ibig sabihin, kapag nagmahal sila, 'yun na talaga ang mamahalin nila hanggang sa malagutan sila ng hininga. Ang sweet diba? Dinaig pa ng mga penguin ang tao. Masaklap isipin na kahit gaano tayo katalino, eh daig naman tayo ng hayop pagdating sa pagmamahal. 'Yun kasi ang mahirap sa pagiging matalino at may isip. Natututo ang mga tao na hindi makuntento. Pero hindi ba, mas masarap isipin na lahat ng mayroon tayo ngayon, ay sapat na? So, 'yung mga magagandang bagay na mangyayari pa, magiging karagdagan sa biyaya. Magiging mas masaya tayo.


Kaya kung hindi ka marunong makuntento sa pagibig, umpisahan mo nang magpaconvert sa Muslim. Sa relihiyong pinahihintulutan ang Polygamy. Dahil sa lipunan ngayon, laganap man ang pagkakaroon ng maraming tao na involved sa isang relasyon, hindi pa rin tanggap ang pagkakaroon ng (insert number here) party. Dahil kailanman, hindi naging maganda ang paglaruan at saktan ang damdamin ng tao. Kung ayaw mong masaktan, wag kang manakit. Kung nasasaktan ka man kahit wala kang ginagawang masama, implikasyon lamang yan na hindi mo pa nakikita ang isda/penguin mo. Keep on searching. Keep on waiting for the perfect time. :)

No comments:

Post a Comment