Saturday, October 8, 2011

Sino Ang Dapat Magsorry?

Nagiisip ako ng bonggang blog para sa boyfriend ko. Pero mukhang mauuna ang pagdadrama ko sa blog tungkol sa kanya kaysa sa sayang nararamdaman ko sa tuwing magkabati kami at sinusundot niya ang kilikili ko kahit basa..

--
Hindi ko alam kung sino ang papanigan sa aming dalawa kapag inexplain namin ang mga hinaing namin sa buhay. Pinupuna niya lagi ang pananamit ko. Bawal ang shorts. Gets ko to. At sinusunod ko naman. Uso ang shorts ngayon. Pero alam ko naman kung gaano kaikli lang dapat ang suotin ko-- hindi kasing ikli ng mga shorts ng mga babaeng makikita mong nakatambay sa madilim na lugar sa gabi at may mga kasamang lalaki na ang tshirt eh parang daster ng nanay nila. Yung shorts na kita ang mga eyebags nila sa legs. Hindi yun dangkal shorts, half dangkal shorts yata. Yun yung mga shorts na artista lang ang may karapatang magsuot. O kaya yung mga sobrang ganda ang chx lang. Hindi naman ako nangangahas na magsuot nun. Kahit nga sa panaginip eh hindi ako makapagsusuot nun. Nagshoshorts ako, pero sapat ang haba-- hindi ako masisilipan ng eyebags sa legs, at hindi naman bastusin. Pero dahil nga mahal ko ang boyfriend ko at ayaw kong magalit sya sakin, eh iniiwasan ko na ang magsuot nun.

Bawal ang sleeveless. Nalaman ko lang ang protocol na ito nang dalawin ko sya sa ospital. Hindi naman spaghetti strap ang suot ko. Hindi rin kagaya ng mga babaeng nakasleeveless at nakalabas ang strap ng bra. Hindi rin naman see through. Hindi hanging. Sapat lang. Hindi rin naman mukhang bastusin. Bawal din pala ako sa sleeveless. Ayos. Ano nalang ang isusuot ko? Pero obey obey parin. Iwas away eh.

Bawal ang skirt. Omaygad. Sumabog ang lola mo.Galit na galit sya nang malamang naka skirt ako. Sinabi ko naman na sinuot ko lang yun dahil may iinterviewhin ako at ang grupo ko sa school. Hindi naman ako nagsusuot ng slacks kapag kailangan na medyo formal ang suot. Kadalasan, skirt o kaya eh dress. Galit sya, school daw ang pupuntahan ko at hindi mall. Ayaw nya daw akong makita ng mama nya na ganun ang suot. Na offend ako. Nakakahiya ba yung suot ko? Bastusin ba? Nakalulungkot isipin na kailangan kong baguhin ang pananamit ko para lang maipagmalaki niya ako sa magulang nya. Hindi na rin daw dapat ganun, kasi may boyfriend na ko. Alam ko naman yun! Hindi naman ako nagsuot nun para mapansin ng mga lalaki. Para makahanap ng bagong boyfriend. Para manyakin. Hindi naman ako kaladkarin. Bumaba ang tingin ko sa sarili ko, wala akong nakikitang mali sa suot ko at sa pananamit ko bago ko pa man sya makilala, pero parang lahat, mali sa kanya.

Nag sorry naman ako. Hindi ko sinabing mali ako at tama sya, pero ginawa ko yun para matapos na rin ang away. Baka din kasi lumala ang sakit nya, hindi pa naman nakalalabas sa ospital. Pero hindi nya yata tanggap ang sorry ko. Hindi nya na daw ako pakikialaman, boyfriend ko lang naman raw sya. OKAY.

Nakalulungkot isipin na ginagawa mo na ang lahat, pero hindi pa rin sapat. Ginagawa ko naman ang lahat para iplease sya. Pero hindi ko talaga kaya. May mga bagay na gusto nyang baguhin sa akin. Pero yun yung mga bagay na bago pa man maging kami, ay bahagi na ng buhay ko. Hindi naman ako nagdadamit para mapansin ng mga lalaki. Nagdadamit naman ako ng bagay sa pupuntahan ko. Hindi naman iyon sobrang ikli. Hindi naman ako nasisilipan. Pressure. Itinutulak niya ako sa pagiging conservative. Shirt at pants. Nagsusuot naman ako nun, pero natural lang sa mga babae ang magsuot ng mga shorts, sleeveless at skirt. Sa tamang lugar. Sa tamang panahon. At may tamang haba.

Ngunit tila hindi niya maintindihan ang gusto kong sabihin. Bahala na. Bahala na.

No comments:

Post a Comment