Wednesday, October 26, 2011
Dead End
Sabi nila, hindi naman mahirap hanapin ang pagibig. Sadyang sa maling tao ka lang napupunta. Ay, sabi ko pala.
Pero naisip ko, hindi ba pwedeng sa unang pagkakataon pa lamang na tumibok ang puso natin, para na lang agad sa taong nakatadhana sa atin? Ang unfair talaga ng buhay. 'Yung iba, ang saya saya na ngayon sa lovelife nila. Samantalang ako, hindi na nga nagtagal, ang sakit sakit pa.
55 days. 1320 hours. 79200 minutes. 4752000 seconds. Limang araw bago mag 60 days, two months.
Kagaya ng usual na love stories, nagumpisa kami bilang magkaibigan. Hindi lang magkaibigan, kundi almost best friends. Nainlove ako sa kanya isang bumabagyong gabi, pagkatapos ng inuman ng tropa. Baha noon, hanggang tuhod ko. Wala syang payong, kaya pinahawak ko nalang sa kanya yung payong kong tig 50pesos lang sa mga bangketa (70php pag sa naglalako) para hindi sya mabasa. At dahil malakas ang agos ng baha, nakakapit ako sa braso nya. Tapos, habang naglalakad kami, ililihis nya yung payong at pareho kaming mababsa ng ulan. Ang cute kapag inaalala ko 'yun nuong boyfriend ko pa sya. Pero ngayong hindi na, masakit na sa isipan at alaala.
Ang dami kong masasayang alaala kasama sya na hindi ko pa nakukwento sa kanya. Mga alaalang isinulat ko sa love letter na hindi ko natapos at hindi man lamang nagawang ibigay sa kanya bago kami maghiwalay. Yung love letter na matagal nang nakaipit sa notebook ko. Yung love letter na naglalaman ng FLAMES ng pangalan naming dalawa. Hindi nya pa nababasa, kaya hindi nya pa alam na mali pala yung pagbilang sa letters noong unang nagFLAMES ako. ANGRY ang kinalabasan ng unang FLAMES. Sabi nya noon, hindi daw tama ang resulta. Pero nang icheck at recheck ko, mali pala. 41 ang resulta, ENGAGED. Tama sya, hindi tama ang FLAMES. Hindi naman rin kasi kami nagtagal.
Hindi ko pa sya nasasabihan ng Iloveyou sa personal. Nagsisisi ako. Kung nasabihan ko kaya sya, maiisipan nya pa rin akong iwan? Mamahalin nya kaya ako ulit? Magsisisi ba sya sa desisyon nya? Gusto kong sabihin yung sa kanya ngayon. Pero natatakot ako. Hindi kasi gaya dati na may iloveyoutoo agad na may kasama pang :* ang isasagot nya. Hindi, hindi na.
Hindi nya pa alam kung gaano ko sya kamiss at kung gaano ko sya kadalas maalala kahit na sa pinaka busy na araw ng buhay ko. Hindi nya rin alam na lagi ko syang ibinibida sa mga tropa ko. At kung gaano ko kaproud na sinasabi sa mga lalaki na "May boyfriend na ako."
Hindi nya alam na gusto ko syang bantayan magdamag simula nang maconfine sya sa ospital. Hindi nya alam kung gaano ka kagustong makipagkulitan sa kanya. Makipagkwentuhan. Yakapin sya at sabihing kakayanin nya rin lahat, na magiging okay lang ang lahat, na mamahalin ko sya kahit magkaroon pa ng deperensya ang lahat ng body organs nya. Pero hindi ko nagawa. Natatakot kasi ako sa mama nya.
Hindi nya rin alam kung gaano ko kagustong makuha yung zombie sa crane sa SM para ibigay sa kanya. Hindi nya alam kung gaano ako kaexcited habang iniimagine ang magiging reaksyon nya kapag ibinigay ko na sa kanya iyon.
Hindi nya rin alam kung gaano ako kasaya nang pumayag sya na magdate kami sa Pateros kahit hindi namin alam kung paano pumunta doon. Hindi nya rin alam kung gaano na ako kaexcited nang gumawa sya ng layout ng couple shirt naming dalawa.
Hindi nya rin alam kung gaano ako kaexcited mag birthday para makapunta sya sa bahay. Para makita nya si Mama at ang mga kapatid ko. At makita nya si Miggy.
Hindi nya rin alam kung gaano ako kaexcited sa magiging reaksyon nya kapag nakita nya na yung ginawa kong video para sa kanya. Alam ko kasi na kahit ang mga maliliit na bagay, maaappreciate nya.
Hindi nya rin alam na gali na galit ako sa pinagsasabi ng ex boyfriend ko tungkol sa kanya. Na inaway ko pa sya sa personal para lang bawiin yung mga sinabi nya.
Hindi nya rin alam kung gaano ako kalungkot kapag hindi ang pangalan nya ang unang nakikita ko sa inbox ko sa umaga. At kung gaano ako kasaya kapag katext ko sya.
Hindi nya rin alam na meron naman talaga akong pakialam sa kanya. At naaappreciate ko lahat ngginagawa nya para sa akin. Na sobrang kinikilig ako kapag sweet ang mga text nya sa akin. At sobrang gusto ko kapag nilalambing nya ako. Hindi. Hindi nya alam na gumagawa ako ulit ng video para sa paglabas nya sa ospital. Para sa kanya-- kaya late akong nakapagreply.
"Hahanapin ko muna sarili ko."
Naguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin. Hindi ko naintindihan.
"Pwede bang itigil muna natin to?"
Okay lang ang nasagot ko. Nasaktan ako. Sobra. Hindi ko akalain na sa sobrang dami ng pinagdaanan naming away, at sa sobrang saya namin noong mga nakaraang araw ay itinatago nya pala ang bagay na iyan sa isip nya. Masakit. Bumitiw sya. Mas masakit. Mahal ko sya. Lalo pang sumakit. Pinigilan ko ang umiyak. Hindi, hindi dito sa bahay. Hindi ako pwedeng makita ng nanay ko. Kaya lumabas ako ng bahay. Tinatanong ako ng mga kaibigan ko, pwero walang lumabas sa mga labi ko. Kahit isang tanong. Kahit isang salita. Masyadong masakit. Sa sobrang masakit, umurong pati ang dila ko.
"MUNA." Ibig sabihin, panandalian. Yes, may pagasa pa. Babalik pa sya. Magiging kami pa ulet. Siguro, magulo lang talaga ang isip nya ngayon. Iintindihin ko na lang muna sya. Ito siguro yung tinatawag nilang "I need some space." Pero bakit iba yung sinabi nya? Bakit hindi na lang sya nanghingi ng space?
Tinanong ko sya kung ano talaga ang ibig nyang sabihin.
"Hindi ko na kayang suklian ang pagmamahal mo."
Para akong pinasabugan ng nuclear bomb sa dibdib. Naramdaman ko na lang na basa na pala ang mga mata ko. Tuloy tuloy, hanggang sa makisama sa pagdadalamhati ang ilong ko. Singhot. Masakit.
Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit para sa aking na basta na lang tanggapin iyon. Biglang bumalik sa balintataw ko ang nakaraan. Mula sa unang pagkikita namin sa LRT Pedro Gil station, hanggang sa pang 55th day naming magkasama.
Ang kaba na nararamdaman ko sa tuwing makikita ko ang mama nya.
Ang masasayang sandali namin sa loob ng 7eleven-- Ang panlilibre nya sakin ng moguogu, at panlilibre ko sa kanya ng voice combo. Hanggang ngayon ay nakatago parin ang resibo nun.
Ang panunundot nya sa kilikili ko kahit basa.
Ang paglusong namin sa baha.
Ang paglilihis nya ng payong kapag umuulan.
Ang holding hands sa Recto.
Ang panlalaslas ko sa leeg nya gamit suklay.
Ang mga text nya sa umaga.
Ang pagtawag nya sa akin ng Shomba.
Ang plano naming date sa Pateros.
Ang couple shirt naming dalawa.
Ang plano ko na pagpapapunta sa kanya sa birthday ko.
Ang plano kong huminto na rin sa pagiinom.
Ang pagpapakilala ko sa kanya kay Tita Rose.
Ang masasaya naming kwentuhan.
Wala na. Hindi na mangyayari ang mga iyon. Tapos na. Hanggang dito na lang kami. Masakit, pero ano na nga ba ang magagawa ko? Ako na lang ang nagmamahal. Ako na lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment