July 29, 2011
Wala akong tulog. Tinapos ko kasi kagabi ang IReport ko para sa Investigative Journalism. Maaga pa akong gumising para magpunta sa school at magpaprint. Maghahanap na rin ako ng mahihiraman ng notes para sa quiz bukas sa Politics and Governance (Korekorekok!) at Communication Theories. Haaaaaay. Ngaragan te!
Isesave ko na ang file ko sa flashdrive ko nang malaman kong nacorrupt ang lahat ng iba pang files na naka save doon dahil sa virus ng laptop na Cha. xD
Anak ng tatlumpung tinalupang talong na green. Kinabahan ako! Mahirap magsend sa flashdrive kong mahal kapag ganito sya't may sakit!
Kinuha ko ang mp3 player ko para maging back-up memory. Iyan ang kagandahan ng mp3, hindi lang maaasahan sa soundtrip. :)
Pero anak kambal na hitong pink, NAGLOLOKO ang mp3 ko! Hindi rin safe na mag save ng file sa kanya ngayon. Delicades!
Hay! Dinala ko nalang ang laptop para sigurado. Kung hindi man sila parehong gumana, atleast to the rescue si bebe Lenovo. :)
Hindi pa doon nagtatapos ang kalbaryo sa karumaldumal at kaawaawang buhay ni Kelly.
Nagshorts ako para hindi ako mahirapan. Bumanagyo kasi, at mahirap magsuot ng pantalon. Umalis agad ako ng bahay, at didiretso sa bahay nila Cha para sabay na kaming magpaprint ng ipapasa para kay Sir Steve Dailisan.
Ayos naman ang lahat, malakas pa ang loob kong maglakad dahil umaga. Medyo malabong manakaw ang laptop na dala ko. Bumaba ako sa DJose, at sumakay sa jeep papuntang San Juan. Mahirap kasing maghintay ng jeep papuntang Punta. Kaya maglalakad nalang ako simula sa Jollibee hanggang sa bahy nil Cha.
Umupo ako sa jeep at inayos ang shorts ko na lalong umikli dahil sa aking pagkakaupo. Ipinatong ang backpack ko sa aking legs, at nagbayad. Napansin ko si kuya sa gawing kanan ko. Tawagin nalang natin syang CENSORED.
Si Censored ang focus ng Blog ko ngayon.
Napansin ko na medyo madalas ang pagsulyap ni Censored sa ganda ng lola mo. Hindi naman pangit si Censored. Maputi sya, medyo may itsura, at CHUBBY.
Nagdikit ang dalawang kilay ko nang maramdaman ang mga braso ni Censored na dumadampi sa tagiliran ko. Hindi naman lubak ang dinaraanan ng jeep na sinasakyan ko, at hindi naman nagpreno ang driver.
Hindi ko pa noon naiisip na may maitim na balak si Censored sa ganda ko'ng ito.
Napansin ko na lalong dumadalas ang pagdikit ng siko at braso ni Censored sa tagiliran ko. Tapos, unti unting umurong hanggang sa dibdib ko. Umurong ako at dumikit ng sagaran sa katabi ko sa kaliwa. Itago nalang natin sya sa pangalang KUYA. Isang beses ko lamang siya babanggitin sa blog na ito, kaya tandaan mo siya. :D
Nang umurong ako, inilayo niya ang mga braso niya at kumapi sa safety hand rails ng jeep (LRT?).
Akala ko ay sumuko na si Censored at ang berde niyang utak. Mali pala ako.
Maya maya lamang ay naramdaman ko na ang mala- gagambang kamay ni Censored sa di- kakinisan kong binti.
Pasimple pa si Censored habang SADYA na ikinikiskis ang kamay niya sa legs ko. Parang palito ng posporo.
Naiyak ako. Bigla kong naalala ang mga pareho at mas malalang pangmamanyak sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sisigaw ba ako? Gusto ko syang sapakin, pero nanghina ang katawan ko sa mga naalala ko. Mga alaalang pinipilit kong kalimutan, ngunit kakambal na ng aking nakaraan. Mga pagkakataong pinagsisihan ko, at mga bagay na hanggang ngayon ay iniisip ko na sana ay hindi ko naisipang gawin.
Ngunit ano nga ba ang magagawa ko? Tapos na ang mga iyon. At hayun si Censored, bumaba na sa Mendiola.
Naiyak ako, pero pinigil ko ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. Wala, WALA akong nagawa. Hindi ko naipagtanggol ang sarili ko, ang KARAPATAN ko bilang babae.
Hindi ako ginahasa, pero iba talaga ang impact ng mga nanghahawak sa akin. Marami na kasing nagyari sa akin. Hindi ako naRape, ngunit nagahasa ang emosyonal kong pagkatao. Dinumihan, niyurakan.
Bakit ako? Madami namang ibang babae na mas maikli ang shorts. HELLO? Hindi naman ako makinis.
Bakit ako? Madami namang ibang babae na mas malaki ang dibdib. HELLO? Flat chested ako.
It could have been worse. Inisip ko.
Pero it could have never happened.
Walang magagawa. Ako talaga ang nakatadhana at flavor of the day ni Censored eh. Walang taste. :|
Doon ko naisip ang kahalagahan ng boyfriend. Ng tagapagtanggol. Ng kasama. Pero sorry, wala ako nun. x|
Learn from experience. Magaganda tayo mga te, dapat lagi tayong handa. Lumaban. Magreact. Huwag maging duwag na ipaglaban ang karapatan natin bilang mga babae.
Learn from my experience. At kapag nakasabay niyo si Censored o ang mga kauri niya, hwag ninyong tularan ang ginawa ko. Naging duwag ako noon.

No comments:
Post a Comment