Isang araw ay sinaktan si Kelly ng isang masamang uri ng pagkain-- si Jjampong. Galit na galit si Kelly kay Jjampong. Hindi pa kasi aminin ng poging noodles ang kasalanan niyang pangingibang pagkain. Pwede namang tumikim ng iba, sabi ni Kelly. Hwag na hwag ka lamang magtitira ng tinga na magpapatunay sa ginawa mong pagkakasala. Pagtapos noon ay umabot na sa expiration date si Jjampong. Hindi nalungkot si Kelly at nagmukmok ng matagal. Alam niya kasing dadating rin ang expiration date ni Jjampong at kailangan niya na itong itapon.
Ilang araw matapos ang expiration date ni Jjampong ay naging masaya na ulit si Kelly. Party ng party. At matapos ang ulang sinuong niya kasama ang maanghang na si Jjampong, ay nakakita na sya ng bahaghari. Sa dulo ng bahagharing iyon ay makikita mo ang iba't ibang kulay na maaari mong pagpilian. Sa sobrang hirap ng pagpili at sa sobrang dami ng kulay na nakatunghad sa harap ni Kelly, napa emote ang babaita.
Nilapitan ng isang kulay si Kelly-- REDZ. Tinulungan siyang tumayo ni Redz mula sa pagkakaupo at pagkakayuko. Biglang lumiwanag ang paligid. Humuni ang mga ibon, at nawala ang bahagharing may iba't ibang kulay. Sa ngayon, isa na lamang ang nakikitang kulay ni Kelly-- REDZ.
Sumaya si Kelly magmula nang piliin niya ang REDZ. Pero hindi na naman totally REDZ ang kulay niya. Hindi naman kasi siya tinanong nito kung gusto niyang maging color pink ng buhay niya. Pero gayun pa man, sumaya ang buhay ni Kelly na nawalan ng kulay magmula nang mag expire ang paborito nyang Jjampong.
Sabi ni REDZ kay Kelly, pasasayahin niya ito araw araw. Kinilig ang lola mo te! At naniwala sa mga sinabi ng kaisa isahang kulay na nakikita ng mga mata nya ng mga oras na iyon.
Ngunit di nagtagal ay nakita ni Kelly ang iba pang kulay na nakakubli sa panlabas na kulay ni REDZ. Palagi syang busy, at hindi marunong magtext. Unti unting kumupas ang kulay na pinili niya. Tila natunaw na ang krayolang kumukulay sa buhay niyang nawalan ng lasa at pag asa.
Bigla na lamang kumupas ang kulay REDZ sa buhay ni Kelly. Walang sabi sabi, walang babala. Natutunaw at napupudpod nga pala ang krayola. Alam ni Kelly iyon simula noong una, ngunit ni hindi sumagi sa puso niya na pumili ng higit sa isang kulay. Masama iyon, dahil isa lang dapat ang kulay na ilalapit mo sa puso mo.
Sa huli, napagtato ni Kelly na hindi lamang pala REDZ ang maaari niyang piliin. Maaari niya palang piliin ang isang buong rainbow, kung saan ang bawat kulay ay siguradong hindi kukupas ang mapupudpod. Nalaman niya kasing GINAMIT nya rin si REDZ sa una upang tabunan ang mantsa na iniwan ng sabaw ni Jjampong. Sa huli, sya rin ang nawalan. Pero minahal niya talaga ang PULA.
Ang bahaghari ay hindi pala linya ng mga kulay na pagpipilian upang gawing love life. Isa rin itong patunay na pagkatapos ng isang mahabang ulan at malakas na bagyo, may isang bahagharing magpapaalala sa iyo na marami pang pagkakataon. Na hindi ka nag iisa kung trip mo pang bumangon mula sa pagkakadapa mo. Na maraming kulay ang handang magpangiti sa iyo, makipag inuman, sumama sa food trip, magtyatyagang magbasa sa mga GM mo, at manlibre sayo ng Cobra RED (Red talaga ang favorite kong Cobra).
Bahagharing wala sa kaanyuan ng isang BOYLET, kundi mga KAIBIGAN. :)

No comments:
Post a Comment