"Ang love, parang elevator. Bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo, eh may hagdan naman. Hindi mo lang pinapansin."
-- Bob Ong
Hindi ko alam kung ano ang nagagawa ng pagibig sa tao. Nagagawa nitong hindi papasukin ang mga estudyante sa ekwelahan kung saan ay mas marami silang matututunan. Nagagawa nitong pagsinungalingin ang tao. Minsan naman, minomotivate tayo nito para magsumikap na maging mas mabuting tao. Pero sa lahat ng kayang gawin ng pagibig, isa ang pinaka inaayawan ko. Kaya kasi tayo nitong saktan.
Naranasan mo na bang magmahal ng sobra? Yung tipong lahat ng sabihin niya sayo, gagawin mo? Kapag nagalit sa'yo at wala ka namang kasalanan, hihingi kang tawad ng walang pagdadalawang isip? Kahit maubos lahat ng pera mo sa date nyo. Kahit na sa malayo pa ang tagpuan niyo. Kahit na makita ka ng tsismosa mong kapitbahay na kaholding hands sya sa SM. Kahit na ayaw sa kanya ng mga kaibigan mo-- wala kang pakialam. Ang alam mo lang, mahal mo sya.
Pero syempre, lahat ng bagay ay may katapusan. It's just a matter of WHEN and HOW it will end. Mayroong mga bagay na nagtatapos sa magandang paraan. Mayroon namang nagtatapos sa sakit. Pero kahit na sa anumang paraan pa magtapos ang mga bagay, isa lang ang sigurado-- wala na ito. Maaaring ibalik, ngunit hindi na sa dati nitong kalagayan.
Imba nga kasi ang pagibig. Hindi lahat ng tao ay magkakapareho ng tingin dito at kung paano natin ito pinapahalagahan. Mayroong kapag tapos na, tapos na. Ang katwiran eh marami namang iba pa. "There are many fish in the sea," sabi nga nila.
Mayroon namang mga matagal bago makapag move on. Mahirap nga namang makalimot agad. Pero sa huli, tayo pa rin ang makatutulong sa sarili natin para maging maayos ang pakiramdam natin. Ayos lang na makaramdam tayo ng lungkot, sakit, at pighati. Pero ang gawin nating miserable ang buhay natin ng dahil sa isang maling pagibig? No way.
Mayroon namang mga nagmamakaawa. Sila ang pinaka kawawa sa lahat ng umiibig. Mga Martyr Nyebera. Ang masasabi ko lang, wag kang hibang. Kapag iniwan ka na, wag ka nang humabol. Mapapagod ka lang. Magpahinga ka na lang muna. Umupo ka sa tabi. Magisip ka muna. Kapag naman naalala ka niya, sya ang babalik-- kung importante ka pa rin. Pero kasi minsan, akala ng tao, mahal ka pa rin niya. Pero ang totoo, namiss lang nya yung mga nakaraang magkasama kayo. Yung mga ginagawa niyo. Kaya kapag binalikan ka, magisip ka ng doble pa sa doble. Alamin mo muna kung sigurado ka. Syempre, ayaw ko naman na ikaw nanaman ang masaktan sa huli. Hinay hinay lang.
Tama. Ang pagibig, parang elevator. Mahirap makipagsiksikan. Hinihintay ka lang naman ng hagdan. Pero syempre, hindi naman pwedeng gagamitin mo lang si hagdan kapag puno na si elevator. Tandaan mo, daratingang araw na mapapagod rin ang elevator. Titirik. Masisira. O kaya pwedeng iwan ka. Pero ang hagdan? Andyan lang yan kahit anong mangyari. Iiwan ka ng lahat, sasaktan ka ng lahat, mapapagod ang lahat sa kahihintay sayo-- pero hindi ang hagdan na nakapirming naghihintay sayo.
No comments:
Post a Comment